­­Kuwarenta y Siyete: Piitan

1.5K 49 23
                                    

YES! Makakapag-update na din ako sa wakas! Alam ko pong natagalan ako. Patawad po dahil nagkasakit ako matapos ang aking working vacation. Ngunit sinisigurado ko, worth it ang paghihintay ninyo. Ang dami kong natutunan na mythology sa Cebu at Bohol noong vacation ko na magagamit ko sa Dayanghirang at sa mga susunod ko pa na mga kuwento. Grabe, hindi talaga natitinag at natitigil ang aking tuwa at galak sa aking mythology. Ang dami nating tagong-yaman sa literatura. Kaya gagawin ko ang aking makakaya upang maibahagi ito sa inyong lahat ng maayos. :)

Para sa iyo ito arwaje, I have a pleasant surprise for you. Enjoy everyone!

Ang galing, 42k reads na pala tayo! Sana hindi kayo na-turn off sa tagal ng update ko. May maganda akong regalo sa inyong lahat! Maikli ang update ko ngayon marahil para sa inyong lahat. ngunit ang dahilan niyon ay dahil hinabol ko ang dalawang linggo na hindi ako nakapagsulat. Bukas ko ilalagay ang next chapter. Aayusin ko muna. :)

Oh siya, ito na ang update.

-Kuya Lawrence-

----

            “Heneral?” nagtatakang tanong ni Mayari kay Melinda habang nakatingin ang Lupa ng Hilaga sa malayong Bulkang Lalahon.

Imbis na sumagot, pumadyak nang malakas si Melinda sa lupa at nagkandabitak-bitak ito. Mabilis namang umilag si Mayari upang hindi mahulog sa butas na ginawa ng heneral.

“May ipis eh, kaya pinatay ko.” depensa ni Melinda sa kanyang aksyon sa naguguluhang Mayari na hindi mawari ang dahilan kung bakit brutal na pinatay ng kanyang heneral ang isang…ipis.

“Tuklasin mo ang katotohanan, dayanghirang.” mahinang usal ni Melinda sa kanyang sarili habang naglalakad sa kabilang direksyon ng Tawalisi; patungong Nyebes.

----

            “Agarisim no hipa nupa ha ramam, Bawa, Namttatapimt aro ha rapida. (Atakihin mo sila mula sa kanan, Bawa. Manggagaling ako sa kaliwa.)” utos ni Paros sa makapangyarihang bawa na lumilipad at nagbabadyang sumugod sa grupo ni Haliya.

            Hindi alintana ng heneral ang nanggagalaiting babala ni Lalahon sa mga nanghimasok sa katahimikan ng kanyang bulkan. Kaya’t noong hindi na nasupil pa ng lakambini ng apoy ang kanyang emosyon, naganap na ang kinatatakutan ng lahat.

            ‘UMALIS KAYONG LAHAT DITO!”

            Matapos mapakinggan ang galit na bulahaw ni Lalahon, mabilis na tumakbo papunta kay Haliya si Sidapa at maliksing winasiwas ang kanyang kadena kay Paros upang maitaboy ang heneral papalayo sa dayanghirang.

            Bumulusok ang galit na galit na itim na kaulapan mula sa bunganga ng bulkan. Makalipas ang ilang sandali; hindi na nakimkim pa ng nanggagalaiting Lalahon ang kanyang ngitngit; kasabay ng kanyang sigaw ang malakas na pagsabog ng bulkan.

            “Raipamtam ma magimt unapih, Bawa. Ihamt naparimt nauhopeo amt Bulkang Lalahon. Ihamt naparimt latraranapi amt latmapiig ro wigo.(Kailangan na nating umalis, Bawa. Isang malaking mausoleo ang Bulkang Lalahon. Isang malaking pagkakamali ang pagmaliit ko dito.)” utos ni Paros sa makapangyarihang ibon na mabilis namang lumipad papalayo sa bulkan.

            Umaagos ang naglalagablab na apoy ng bulkan sa paligid nina Haliya. Sidapa; Galura; Kidu; Dian Masalanta, Loos Klagan. Walang makakatulong sa kanila upang makatakas!

            Saglit lamang, ngunit nakadama si Sidapa ng matalas na pagyanig mula sa ilalim ng lupa; at ito ay hindi galing mula sa nag-aamok na bulkan. “Haliya!” bulahaw ng lakan na mabilis na kinadena ang dalaga upang mahatak ito papalapit sa kanya. Makalipas niyon, tumalon ng mataas ang binatang lakan upang maiwasan ang malaking bitak na binuka ang lupa at nilamon ang umaagos na apoy.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon