Sinkuenta y Tres: Jamil

1.2K 45 12
                                    

Hiya guys! Sorry for my super-long hiatus! Ang daming nangyari; naging busy ako sa work, nagkasakit, nag-alaga ng lola ko sa hospital, nag-asikaso sa 90th birthday ng aking lola at na-Glenda pa kami. Pero rest assured; attached with this update is a very great news. :)

Tatapusin ko na ang Dayanghirang between September-October of this year. Meaning, mapapadalas na aking mga updates. Almost done na ako with the plot and flow of the story. And yes, ayaw ko kasi siyang pahabain pa ng sobra-sobra kasi natatakot ako na mawalan nang dereksyon ang aking story kaya I will do my best to stick with my plan and finally finalize Dayanghirang between Sept - Oct of this year. Most likely I will be updating every 1-2 days; mapapadalas na siya in short. :p Salamat sa lahat ng suporta ninyo guys! Never did I think na nasa top ten pa din tayo kahit three weeks akong inactive sa Wattpad. Kaya sana huwag ninyo akong iiwan hanggang sa huling sandali; sama-sama tayo hanggang matapos tayo! :-)

I offer this update to angellene_lucky18, sana maibigan ninyong lahat ang aking update! I will make it up to all of you!

-Kuya Lawrence =)

----

            Lumutang sa kalangitan si Jamil at matapos kainin ng kanyang katawan ang liwanag, nalahad ang kanyang katawan na naka-halmista. Naging kulay asul ang makapal na buhok ni Jamil na mabuhaghag na umaalon hanggang sa kanyang balikat. Taglay ng binata ang sikat na matatalas na mga mata ng kanyang ina na kulay abo. Takip ng mahaba at manipis na sutlang puti ang mga kamay niya at ang kanyang pambaba ay isang sutlang puti na nakatali sa kanyang kaliwang bewang. Nakaupo sa isang tela na sutlang puti si Jamil na malaya siyang pinalipad sa alapaap. Tumuro sa langit ang binata at ito ang naging senyales para kina Sidapa, Venus, Simeon at Selina upang lumayo sa babaylan ni Alunsina.

            “Haliya!” sigaw ni Sidapa na biglang kinarga ang dalaga na sinundan ng malakas at mataas niyang pagtalon sa himpapawid.

            Malakas na sumipol si Venus upang tawagin si Eliana, ang manaul, upang masakyan niya at ni Rosendo nang makaligtas sila mula sa kumawalang enerhiya mula kay Jamil.

            “What’s wrong with these children!” reklamo ni Simeon na mabilis na humawak sa lupa upang magpatubo ng isang puno na nagawang itaas sila ng mabilis mula sa lupa. Maagap namang kumapit si Selina sa puno upang makalayo din mula sa panganib.

            Tila binagsakan ng bomba ang lupang tinuro ni Jamil; sumabog ito kahit wala namang tumama dito. Mabilis na nakagawa ng bakal na harang si Sarry kaya’t nakaligtas siya mula sa malakas na atake.

            “Papatayin mo ba ako, kuya?” pakutyang tanong ni Sarry kay Jamil. Hindi na hinintay ng dalaga ang sagot ng kanyang kapatid. Kumumpas sa hangin ang babaylan ni Kadaklan at mula sa hindi kalayuan ay lumipad sa kanyang mga kamay ang kanyang nabir, ang kanyang bertud, na nakasilid sa isang supot na nabitiwan ni Simeon noong sumama ang doktor sa pinatangkad nitong puno. “Hindi ko na pipigilan ang sarili ko kung ganoon.”

            Napuno ng galit at nagpupuyos na himig ang kapaligiran. Nanggaling ang nakakasulasok na musika mula sa nabir ni Sarry. Yumanig ang lupa at makalipas ang ilang sandali ay nagpulasan ang mga bakal mula sa ilalim ng lupa na marahas na sumugod patungo kay Jamil. Hindi pa nakuntento ang dalaga at hinulma pa niya bilang mga bala ng kanyon ang ibang bakal at buong-lakas itong binato patungo sa kanyang kapatid.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon