Sinkuenta: Patungo sa Nyebes

1.4K 53 21
                                    

Hiya everyone! Sorry sa delayed na update ah. Dapat kagabi pa ito kaso nag-down ang Wattpad kaya ngayon ko siya nailagay. Sana maunawan ninyo ako at salamat sa suporta ninyo sa akin :)

Ang galing, 49k na pala ang reads ng Dayanghirang! Salamat! Your support never fails to amaze me; kaya I am giving my all so your wait would always be worth it. :)

Para sa iyo ito @zandcruzher, salamat sa pag-plug sa akin sa mga Recommended Stories mo :)

Oh siya, ito na update na :)

Kuya Lawrence :-)

----

            “Lalahon, batid ko na lubos kang napupoot sa nangyari sa inyo ni Sidapa. Maging ako ay nagulat sa aking mga nasaksihan. Ngunit buo pa din ang tiwala ko kay Sidapa, Lalahon. Hindi ako naniniwalang magagawa niya iyon sa kahit sino sa inyo.” sambit ni Haliya kay Lalahon.

            Nagulantang sa narinig sina Rosendo, Venus at Sidapa ngunit higit na nagulat si Lalahon sa sinabi ni Haliya. Bago pa man nasubukang sumingit ni Rosendo ay naunahan na siya ng nag-aalab na komento ng lakambini ng apoy.

            “Paano mo nagawang sabihin ang iyong tinuran, dayanghirang?” galit na tanong ni Lalahon.

            “Lalahon, alam kong nakikita mo gamit ang mga mata ng mga babaylan na ka-kasunduan mo ang mga nagaganap sa mundo. Hindi ko alam kung bakit at paano mo nagagawang pabayaan ang mga masasamang elemento sa kanilang mga ginagawa ngunit nais kong magtapos ang lahat ng kaguluhang ito. Nais ko mang manumbalik sa dati kong buhay bilang isang karaniwang babae at isang karaniwang kabataan, paano ko magagawang talikuran ang aking responsibilidad sa mundo gayong binigyan ako ng kapangyarihan na baguhin ang mapait na tadhana ng sanlibutan?” tugon ni Haliya na puno ng determinasyon sa bawat salitang kanyang sinabi.

            “Naniniwala akong likas na masama ang lahat ng tao sa mundo. Sumuko na akong maniwala na may pag-asa pang magbago ang mundong ito. Sinubukan na naming baguhin ang mundo noon ngunit bigo kaming lahat.” mahinang wika ni Lalahon na bakas sa kanyang mga mata ang matinding lungkot na kanyang pinaghuhugutan.

            “Patutunayan ko sa iyo na lubos kang nagkakamali, Lalahon.” mapang-hamon na pahayag ni Haliya sa lakambini.

            Naagaw ng mga salitang sinabi ni Haliya ang atensyon ni Lalahon. Nagtaka at napaisip ng malalim ang lakambini kung paano mapapatunayan ng dayanghirang ang kanyang sinabi. “At sa paanong paraan mo ako mapapaniwala sa iyong sinabi, dayanghirang?” tanong ng lakambini ng apoy sa dalaga.

            “Sumama ka sa amin, Lalahon. Ipapakita ko sa iyo na may likas pa ding kabutihan ang sanlibutan. May karapatan pa din silang mabuhay sa mundong ito.” na may kalakip na mga ngiti sa mga labi habang sinasabi ni Haliya ang mga salitang sinambit niya.

            Kumumpas si Lalahon ng apoy at bigyang lumiyab ang kanang pulso ni Haliya. Umikot ang apoy na tumigas at naging pulang pulseras.

            “Sa takdang panahon malalaman mo ang gamit ng aking bertud, ang Ladlaw.” umpisa ni Lalahon. “Patunayan mo sa akin ang iyong tinuran, dayanghirang. Nais kong makita at malaman na ako ay lubos na nagkamali sa aking paniniwala.”

            Napangiti na lamang si Rosendo matapos ang mga pangyayari. “Hindi ko talaga lubos maisip na siya ang lampang Haliya na nakilala ko noon.” patuloy niyang papuri kay Haliya habang hindi mabura sa kanyang labi ang matamis na ngiti ng kasiyahan at paghanga sa dalaga.

            Mahinang siniko ni Venus sa tiyan si Rosendo. May kaunting bahid ng panibugho ang kinilos ng pintados sa binatang babaylan. “Nakakainis ka naman, Rosy. Tigil-tigilan mo na nga ‘yang malagkit na titig mo sa kaibigan ko. Nagseselos na ako.” Pag-iinarteng tono ng malanding pintados sa pag-asang makuha niya ang atensyon ng binata.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon