Trente y Tres: Ang Kalma Bago ang Bagyo

2.3K 59 63
                                    

Hello! Patawad! Super late update po ulit si Kuya Lawrence (sabay luhod, nagmamakaawa). Una sa lahat, naging busy ako sa aking trabaho kaya't bumuwelo muna ako bago nag-update. Pangalawa, wow! 9k na reads natin. Ang galing, salamat sa suporta ninyong lahat. :-)

Inaalay ko ang update ko kay LostAndFoundBallpen, long time long time eh. Hehe. Sana huwag kayong magsawang basahin ang Dayanghirang at ang iba pang Phil. HisFic sa Wattpad. Mabuhay tayong lahat! Hope matuwa kayo sa kabanatang ito :-)

----

            “Ano ang ibig sabihin nito? Sino ang totoong Dayanghirang? Si Ines Kannoyan o si Bakunawa?” naguguluhan at nag-aalalang tanong ni Rosendo.

            Batid nina Haliya at Rosendo ang magulong pinagdadaanan ni Sidapa. Masakit man sa damdamin ng lakan ang kawalan ng kakayahang maalala si Ines Kannoyan, lubhang nagambala ang paniniwala ng dalawang babaylan sa nasaksihan nila mula sa alaala nina Dian Masalanta at Loos Klagan.

            “Paumanhin, aking ka-kasunduan,” umpisa ni Dian Masalanta. “Maging kami ay walang kakayahang masagot ka, kahit na nanggaling pa mismo sa aming mga alaala ang mga kaganapan na inyong nasaksihan,” dagdag pa ng lakambini ng pag-ibig.

            “Dayanghirang, hanapin ninyo ang katotohanan. Marahil nakalakip sa alaala ng ibang mga lakan at lakambini ang kasagutan sa inyong katanungan,” aniya ni Loos Klagan. “Tanggapin mo ito, ang Caburayan,” na sinundan ng pagkumpas ng lakan ng kagalingan sa hangin. Mula sa nabuong tatsulok na hugis mula sa indayog ng kaliwang kamay ni Loos ay nabuo ang isang panyo na kulay luntian.

            “Ipinapaubaya na namin sa inyo ang pagtuklas ng katotohanan,” na sinabayan ng pagsayaw ni Dian Masalanta sa hangin. Matapos maglaho ng lakambini ay nakagawa siya ng isang pula at mahabang laso. “Ibinibigay ko sa iyo ang aking bertud, ang Amas. Malalaman mo kung ano ang gamit ng aming mga handog sa iyo sa takdang panahon. Humayo ka, dayanghirang. Banggitin mo lamang ang aming mga pangalan at kami ay malugod na susunod sa iyong kagustuhan.”

            “Haliya?”

            Naputol ni Rosendo ang malalim na pag-iisip ni Haliya. Habang nagbabalik-tanaw mula sa mga naganap sa mausoleo, maraming iniisip ang dayanghirang; bukod sa rebelasyong nakita niya mula sa alaala nina Dian Masalanta at Loos Klagan, hindi pa din mapawi sa isip ng dalaga ang Sidapa na natanaw ng kanyang mga mata. Malungkot. Naguguluhan. Nakakaawa. Malayo sa tipikal na matapang at mayabang na lakan ng kawalan at kawakasan.

            “Maari ba akong maupo sa tabi mo?” paalam ni Rosendo. Dama ng binata ang kaguluhan sa puso’t isipan ni Haliya.

            Isang maingat at marahang tango naman ang isinagot ni Haliya sa pagpapaalam ni Rosendo.

----

            “Rani, nagbibiro ka po, hindi ba?” balisa at natatarantang tanong ni Saavedra kay Lilagretha na nakahilata ng maginhawa sa kanyang trono.

            “Saavedra, narinig mo ako ng maayos hindi ba? Hindi ko uulitin ang aking sarili,” matigas at masungit na sagot ng reyna ng Minolo.

            “Pe-pe-pero rani! Manghihimasok po tayo sa pagitan ng dalawang bansa! Hindi po ba’t pinapangalagaan natin ang neutral na politikal na katayuan ng Minolo? Ano na lamang ang iisipin ng mga karatig-bansa kapag nalaman nila na kayo mismo, ang rani ng Minolo, ang susugod at lalaban sa Tawalisi at Calamian?” na nahahaluan ng mga bahagyang pagtaas ng boses ng punong kalihim dala na din sa matinding pag-aalala hindi lamang sa politikal na kalagayan ng Minolo kundi dahil na din sa implikasyon ng kanilang mga aksyon sa Baybayin.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon