Sesenta y Dos: Pumarito Muli

1.2K 45 25
                                    

Hi guys! Part 2 of 2 ng aking double update! Hope you like this @GorgeousJayd, hindi naman siguro ako magpagseselosan kung magdedic lang ako ng chapter 'di ba? I am doing this for everyone na nagcocoment sa Dayanghirang. Nakapila pa po yung iba, I will offering some of the updates to you soon guys! Kaya hintay-hintay lang din. :p Oh siya, ito na, ipopost ko na!

-Kuya Lawrence =)

----

            “Galang Kaluluwa, mayroon na bang balita?” tanong ng Banwa sa espiritu habang nakamasid ito sa kawalan. Matingkad na liwanag ang pumalit sa dapat ay lalagyan ng mga mata ni Galang Kaluluwa habang nagkakalap ito ng impormasyon hingil kina Zenaida.

            Napailing si Galang Kaluluwa bago siya tumugon sa katanungan ng Banwa. “Ikinalulungkot ko po, Banwa. Hanggang ngayon ay nililimliman pa din ni Bastian ang lugar kung nasaan sila ngayon. Wala po akong makita.”

            “Ganoon ba? Hindi bali. Masyadong naging maingat si Tandang Naida. Kung tama ang hinala ko, ang kanilang maaaring gawin ay tulungan ang dayanghirang na makausap ang iba pang lakan at lakambini upang tuluyan niyang ‘magising’ ang diwa ng kaluluwang kanyang bitbit sa kanyang katawan. Ang pangunahing dahilan kung bakit siya nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan ay si Ines Kannoyan.” Pahayag ni Akkou na nakaupo sa kanyang trono habang nakasandal ang kanyang baba sa kanyang kaliwang kamay. Nabaling ang kanyang mga mata kay Samaya na sa kasalukuyan ay may tinatahi pabalik ang sa katawan nito napugot na ulo ni Sao. “May magagawa ka pa ba, Samaya?”

            Mahaba at umaalon hanggang sa kanyang bewang ang maitim na buhok ni Samaya. Siya ay matangkad, morena at nakakahalina ang mga mata.  Tila panyo lamang na binuhol sa kanyang likod ang kanyang pantaas; yari ito sa telang-balat na kulay itim at tanging dibdib lamang niya ang natakpan nito. Malusog ang kanyang hinaharap at maganda ang tabas ng kanyang balakang. Nakasuot siya ng maikling itim na palda na hanggang sa kalahati ng kanyang hita at ito ay hapit na hapit sa kanya. Nakasuot din siya ng puting damit ng doktor upang madagdagan ang kapos na telang bumalot sa kanyang katawan.

“Nahuli na po ako ng dating, Banwa, lubhang napuruhan si Sa-O. Mga ilang linggo pa bago pa po siya gumaling. Kailangan ko pang ayusin muli ang kanyang banga upang makatulong sa pagpapabilis ng kanyang paggaling.” sagot ni Samaya sa tanong ni Akkou. Nilinis muna niya ang mga dugo na kumapit sa kanyang mga kamay bago siya nagpatuloy. “Kung inyo pong mamarapatin, nais kong bumalik sa aking laboratoryo sa Maniolas upang mas mapabilis at mapadali ang aking paglapat ng lunas kay Sa-O.”

Tinutop ng Banwa ang kanyang kanang kamay; lumiwanag ito na kulay lila at pagbukas niya dito, namuo ang isang maliit na bola. Binato niya ito sa sahig na bilang naging temporyal. “Makakaalis ka na, Samaya. Caylao, samahan mo siya.”

Matapos pumasok sa loob ng temporyal at mawala sa silid, nagpahayag ng kanyang ulat si Ran Hadi sa Banwa. “Banwa, ssa kassalukuyan ay malapit nang matapos ang pagsasaayos ng sandata na aking nakuha mula sa Tawalisi. Ssa ngayon, ang tanging kailangan na lamang namin ay ang dayanghirang upang massubukan na namin ito.”

“Mabuti naman kung ganoon. Si Blanga?” tanong ni Akkou sa babaeng ahas.

“Ssa kasalukuyan ay naghahanap ssiya muli ng panibagong pintadoss.” tugon naman ni Ran Hadi.

“Nakailan na ba siya?” tanong muli ng Banwa.

“Limang-daan na po Banwa. Ang ssabi po ni Ssamaya, kailangan niyang maligo ssa dugo ng issang libong pintadoss upang mabura ang ssumpang nilapat ssa kanya ng pumanaw na Tressmaria.” sagot ni Ran.

“Madami pa ang kailangan niya. Ran, magtipon ka pa ng mga pintados, tulungan mo si Blanga. Sa oras na matapos kayo, bumalik kayong muli dito sa Syaka.” utos ni Akkou.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon