Trente y Sais: Ang Konseho

2.2K 50 46
                                    

 Hello! Sorry po sa late update, ulit (bows down). Ang galing 13k reads na tayo! Salamat sa walang kasawa-sawa ninyong suporta sa akin at sana maibigan ninyo ang aking handog para sa inyong lahat. Mas maraming aksyon, mas maraming mythological creatures, mas maraming mythological characters at mas nakakapanabik pang mga tagpo! Alay ko sa iyo ito, aking kaibigang dakilangmandirigma! I really appreciate your technical and constructive comments towards Dayanghirang. Tag mo ako pag na-post mo na yung His-Fic na wino-work out mo. ;-)

Oh siya tama na satsat, update na!

-Kuya Lawrence

----

            Naging isang malaking tore ang Piedras Platas sa Tawalisi. Ang puno ay naging kulay esmeraldo at mayroon itong isang malaking salamin sa tuktok nito. Nakamasid sa itaas ng makapangyarihang halaman si Simeon at lubos siyang nabahala sa kanyang nakita.

            “Ang karbungkong kulay ng Piedras Platas ay nagpapainit ng paligid. Ang perlas ay nagtatala ng kahit ano sa paligid nito. You can use that d#mn tree offensively by using its crystal color kagaya ng ginawa mo noong inatake tayo ng mga mananawal. Ang esmeraldong anyo ng Piedras Platas ay may kakayahang makita ang mga malalayong lugar o bagay, tama ba ako?”

            Mula pa lang sa timbre ng pagsasalita ay alam na ni Simeon kung sino ang nagsalita sa kanyang likod. “Oo, tama ka. Hindi maganda ang nakikita ko sa malayo, Selena.”

            “Kahit ako ay nagulat sa nangyari. Tuso talaga ‘yang si Kasimira. Dalawang araw bago maganap ang digmaan. Umatake sila ng maaga sa Calamian.”

            “Hindi ko alam kung ano ang nangyari subalit,” na sinundan ng malalim na buntong-hininga ni Simeon. “Lubhang mabuti at mabait si Kasimira noong nasa laboratoryo pa ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya at ibang-iba na siya sa babaeng nakilala ko noon.”

            Imbis na sumagot ay isang orasyon ang binigkas ni Selena. Nakadama siya ng kakaiba at masamang presensya sa paligid na bigla na lamang sumulpot mula sa kawalan.

            Lakambini ng nagpupuyos na pighati…. Basagin ang tanikalang pagsisisi… Kumawala sa kulungan ng kalungkutan…. Ibalot sa niyebe ang kalaban! Halina, Amansinaya!

            Hinaplos ni Selena ang hangin na bigla namang namuo bilang yelong mga punyal na binato niya sa kanyang likuran. Napaslang ng mga ito ang mga kulay pula at berdeng ahas na sanla-sanlaksa ang dami sa kanilang likuran.

            “Kumussta, Ssimeon?” bigkas ng isang tinig ng babae. Nag-umpukan sa isang lugar ang mga ahas at mula doon ay nabuo ang isang babae na katamtaman ang tangkad, meztiza, balingkinitan ang katawan, at nag-aaway sa kulay puti at itim ang kanyang buhok na hanggang sa balikat niya. Kulay pula ang kanyang bestidang pinakita ang kanyang makinis at matambok na mga hita. Dilaw ang mga mata ng babae na mistulang mata ng isang ahas. Mayroon siyang dalawang maliit na puting sungay sa kanyang noo at pulang-pula ang kanyang mga labi. May suot siyang buhay na ahas na kulay ginto sa kanyang leeg. Matalas siyang ngumiti kay Simeon.

            “Ran. Anong ginawa mo dito, Ran Hadi Agbayani?” paumpisang tanong ni Simeon.

            “Hadi? Ikaw ang Pangil ng Pitong Lason, isa sa siyam na miyembro ng Konseho ng Baybayin. Nanghihimasok na din pala ang Konseho sa mga heneral ng Kayumanggi. Ano ang pakay ninyo sa amin?” na sinundan ng pagbato ng espadang yelo ni Selena kay Hadi. Sumipol ang babaeng ahas at isang pader ng mga ahas ang sumangga sa atake ni Selena.

            “Wala naman ssigurong massama ssa aming aktibidad, mga babaylan,” paliwanag ni Hadi. “Narito lamang kami upang makipag-ussap sa kapatid ng Dayanghirang. Total, ito ang utoss ng Banwa. Issa pa, gussto naming--”

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon