Ikalabing-anim na Kabanata: Pagsubok

2.7K 71 19
                                    

Hello! Sana maging consistent ako na ihahandog ang aking mga bagong kabanata sa aking mga bagong followers at mambabasa. This is a simple token of my happiness para sa inyong pagdaan sa aking akda. This is for you iagapoK :-D

Oo nga pala, may naisip ako na maari kong gawin. Parang gagawa ako ng new entry sa wattpad na parang book type about sa iba't-ibang mitolohiya sa mundo ng Dayanghirang. Pwede ba 'yon hindi ba ako mate-technical? Ano opinyon ninyo?

Ang dami kong iniisip. Ito na nga ang update ko. Please comment and enjoy! I will truthfully love your honest and precious comments para mas mapaghusayan ko pa ang aking akda. Salamat at mabuhay ang mga Philippine Historical Fiction Writers!

----

Hindi makapaniwala sina Rosendo, Iya at Venus sa palasyong gawa sa ginto na nakakubli sa maliit na kuweba. Hindi mo sukat akalain na may ganito pa kagandang istruktura sa mundo. Yari sa iba’t-ibang mamahaling ginto at bato ang disenyo ng palasyo. Tambak-tambak ang mga gintong barya at perlas sa sahig. Umaapaw sa diyamante ang daan na halos wala nang mapaglagyan. Nahumaling ang dalagang pintados sa kabusugan ng kanyang mata. Nais niyang kunin ang isang perlas at diyamante na kanyang naapakan habang sila ay naglalakad.

“HUWAG!” awat ni Saavedra na daliang hinablot ang kamay ni Venus. Piga-piga niya ito na may halong nginig sa kanyang pagkakahawak.

“Oo nga pala, nakalimutan naming sabihin sa inyo. Huwag kayong kukuha ng kahit ano sa mausoleo na ito. Ginawa iyan bilang isang patibong na papatay sa kung sino man ang kukuha nito,” dagdag naman ni Lilagretha na huminto sa pinto ng palasyo. “Hanggang dito na lamang kami.”

Tinulak ng rani ang mabigat na pinto na dahan-dahang bumukas. Nang ito’y nabukas ng tuluyan, dalian niyang sinuntok si Rosendo sa tiyan na nawalan bigla ng malay. Mabilis naman itong tumakbo patungo kina Venus at Iya na dali-dali niyang binato papasok sa loob ng palasyo.

Mabilis sumara ang pinto matapos matapon ang mga kabataan sa loob.

“Rani,” umpisa ni Saavedra matapos niyang linisin ang kanyang lalamunan. “Masyado ka pong marahas.”

“Saavedra, masisisi mo ba ako kung nais kong makasiguro kung maari kong ipagkatiwala sa kanila ang kapalaran ng mundo? Gusto kong malaman….. Gusto kong malaman kung totoo nga na siya ang katuparan sa napagkasunduan,” mahinahong tugon ni Lilagretha na tumingala sa asul na langit. Nakakapagtaka man, may mga ulap at asul na kalangitan sa loob ng kuwebang kanilang pinasok. “Parating na siya, Saavedra. Kinakailangan nating maging handa. Nag-umpisa na ang digmaan. Hindi na ito tungkol sa pagiging isang malayang bansa ng Minolo. Nakaatang na dito ang hinaharap ng sangkatauhan….”

----

              “What the hell happened….”

            Nagising si Rosendo habang nakahiga sa malambot na hita ni Venus. Mabilisan namang napatayo ang binata, “Anong nangyari?” tanong nito.

            “Sinapak ka ng girlfriend mo tapos tinapon ka dito sa loob,” umpisa ni Venus na may alat pa ang tinig ng boses. “Matapos kang ‘tikman’ itatapon ka na lang ng ganoon-ganoon lang,” dagdag pa ng dalagang pintados.

            “Hindi ko gusto ‘to. Ikamamatay nating lahat ang pagpasok dito,” mahinang sambit ni Rosendo habang umiiling-iling pa.

            “Huh? Bakit naman?” tanong ng nagulat at nagtatakang Iya.

            “Invasion of property,” umpisa ni Venus. “Bawal pumasok ang mga babaylan sa mausoleo ng isang lakan o lakambini na hindi nila ka-kasunduan. It’s taboo!” dagdag pa nito.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon