­­Kuwarenta y Sais: Saribulkan at Lumang-dila

1.6K 51 15
                                    

­Hiya! Sorry sa super-late update (mga 9 days, mas matagal 'yong nakaraan, hehe :p) Salamat sa matiisin ninyong paghihintay sa akin, sinisugurado ko sa inyo na sulit iyon (evil laugh) :p

Nakaka-inspire, 37k reads na pala tayo! Sa mga new readers, voters, commentators ko, salamat po sa suporta ninyong lahat! Nawa'y patuloy ninyong tangkilikin ang Dayanghirang at ang iba pang His-Fic writers.

Para sa iyo ito aking kaibigang dakilangmandirigma A.K.A.siniphayo. Enjoy!

-Kuya Lawrence :)

P.S. May laro ako sa Hatinig, sali kayo. :P

----

            Sa pamamagitan ng patnubay ni Orasyones Zita, ang reyna ng mga mananawal, naihatid ang dayanghirang sa Tawalisi upang puntahan ang mausoleo ni Lalahon. Matapos baybayin ang masukal na kagubatan, tumambad kina Haliya ang isang mataas at matayog na bulkan.

            Napabulalas si Rosendo dala na din ng kanyang pagkamangha sa napakagandang tanawing kanyang nakita. “Bulkang Lalahon…”

            “Oo nga,” dagdag ni Venus. “Astig ang Bulkang Lalahon. It’s has a volcano complex inside a volcano, right?

            “Tama ka, Venus. Isang-daang bulkan sa loob ng isang bulkan, iyan ang Bulkang Lalahon. Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga sinaunang mananawal na ang dati naming dakilang hari ay nanggaling sa angkan ni Lalahon, ang lakambini ng apoy. Lubhang makapangyarihan si Lalahon; siya ay may kakayahang gumawa ng mga bulkan sa kung saang lugar man niya naisin.” paliwanag ni Orasyones. “Dayanghirang,” na sinundan ng isang matalas at nag-aalalang tingin sa dalaga. “Lubhang mapanganib ang daan patungo kay Lalahon. Nais mo bang magpatuloy?” tanong ng reyna.

            Isang tango na puno ng determinasyon ang ipinahatid ni Haliya sa reyna ng mga mananawal na siyang naging sapat upang mabuo ang loob ni Orasyones na ituro ang tamang daanan sa dalaga.

            “Mula dito ay hindi na ako maaari pang lumapit sa bulkan. Upang makita mo ang mausoleo ni Lalahon, kailangan mong akyatin ang bulkan at pumasok sa bunganga nito. Mula sa loob, isa sa mga saribulkan ang nagtataglay ng lagusan patungo kay Lalahon.” na sinundan ng pagdukot ni Orasyones ng isang bagay mula sa kanyang bulsa. “Kunin mo ito, isa itong kagamitan na maari mong magamit sa loob ng bulkan.”

            Mula sa kamay ni Haliya ay inabot ni Orasyones ang isang maliit na bolang kristal. Mayroon itong pilak, ginto, at bungo sa loob.

            “Ano po ito, Orasyones?” nagtatakang tanong ni Haliya.

            “Oroplatamata.” Sabat naman ni Venus.

            “Tama ka, pintados. Isa itong oroplatamata.” sagot ni Orasyones bilang pagpapatotoo sa sinambit ni Venus.

            “Oroplatamata?” bulalas pa din ng naguguluhan na Haliya.

            “It’s a device used to determine spiritual density. The luminous it gets, the higher the spiritual density in a specific place. Ang isa sa mga lugar na lubhang madami ang spiritual na presensya ay ang—” at hindi na natapos ni Rosendo ang kanyang paliwanag dahil napagtanto na ni Haliya ang gamit ng nasabing bagay.

            “Ang mga mausoleo ng mga lakan at lakambini ay mataas sa spiritual na presensya.” wika naman ni Haliya. “Maraming salamat, Orasyones.” pagpapasalamat ng dalaga matapos kumaway ng pagpapaalam upang akyatin na nila ang Bulkang Lalahon.

            “Marahil, mababago mo ang takbo ng kapalaran, dayanghirang. Itataya ko ang aking pananalig na may pagkakataon pang magbago ang bulok at masamang mundong ito.” sambit ni Orasyones sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya ang grupo ng dayanghirang.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon