Sesenta y Uno: Ang Labi ng Nakaraan

1.1K 48 12
                                    

Hi guys! Happy 74k reads sa ating lahat! Bukod dito, nais kong batiin ang aking sarili ng HAPPY ANNIVERSARY! Imagine, ito ang 1st year anniversary ko dito sa Wattpad. Also, today is the 1st year anniversary ng Dayanghirang! Kaya para sa inyong lahat, I am giving out a double update! Chapters 61 and 62, now posted!

I would really appreciate it if babatiin ninyo ang Dayanghirang ng #happyannivdayanghirang, pero that is just me. You can skip that part if you don't want to do it. :p

Anyway, I am giving out this chapter update kay @alenamariealcantra, hope you like it. :)

-Kuya Lawrence =)

----

"NO! I REFUSE TO OFFER ANY OF MY nieces AS TRIBUTES TO THIS FOOLISH RITUAL! " galit at nanggigigil na pahayag ni Selena matapos niyang marinig ang detalye ng rito ng pangadlip.

"Sa tingin mo ba ay papayag akong masakripisyo ang kahit sino sa mga anak ko?" determinadong tinig naman ni Bastian matapos ang pasabog ng galit ni Selina. Nakakubli man sa anino ng mga kakahuyan, hindi kinakailangang makita ang ama ng dayanghirang para lamang malaman nina Simeon, Lilagretha at Zenaida na seryoso siya sa kanyang pahayag.

"Ayon sa isang dokumentong nakita ko sa guho ng Celebes, ang isang dahilan kung bakit ito sinira noong unang panahon ay dahil sa 'isang silid.' Marahil doon nagaganap ang rito kaya't nauna na itong sinira ng Dakilang Kasamaan, si Bakunawa, upang mapigilan ang mga paraan na maaring gamitin laban sa kanya. Kung ito ang teorya na ating susundan, marahil ito din ang dahilan kung bakit sinira ni Bakunawa ang Kaharian ng Subgu, upang mabawasan ang mga lugar kung saan maaaring gawin ang pangadlip. Ngunit noong mga panahon na iyon, linghid sa kaalaman ng nakakarami, mayroon pang isang lugar kung saan maari itong gawin. Ngayon, nandito tayo sa pook na iyon." paliwanag ni Zenaida sa lahat upang makapagbigay siya ng linaw sa mga isip ng mga tao na nagulo ang mundo matapos marinig ang kanyang rebelasyon.

"Marahil kaya tinaya ni Nyebes ang buhay niya para ipagtanggol ang mausoleo ni Amansinaya ay upang masigurado niya na walang kahit sino ang makakapasok sa loob nito upang gawin muli ang rito ng pangadlip." dagdag na opinyon ni Lilagretha.

Isang tango mula kay Tandang Naida ang sumagot sa katanungan ng rani ng Minolo. "Simeon, sigurado ako na napansin mo din ang pagbabago sa ating Banwa dalawang dekada na ang nakakalipas, hindi ba?"

"Tama ka po, Tandang Naida. Kung naalala ninyo, nangyari ang biglang pagbabago ng Banwa magsimula noong nakita namin ang isang baul na puno ng mga buto ng isang tao sa Syaka. Kinabukasan matapos niyon, bumuhos ang napakadaming aswang sa lungsod na siya ninyo namang niligpit upang maipagtanggol ang mga mortal. Hindi namin natiyak kung may kinalaman ba ang baul sa biglang pagsugod ng mga aswang; ngunit ayon sa aming pananaliksik, tugma ang edad ng buto sa panahon ng mga dakilang lakan at lakambini. Iyon lamang ang nakalap namin na impormasyon. Pero-" at hindi na natapos pa ni Simeon ang kanyang pahayag sapagkat bigla siyang pinutol ni Bastian.

"Kami mismong mga heneral ng Kayumanggi ay nakita din ang biglaang pagbabago ng Banwa. Una, pinalayas niya ang mga sinaunang bilanggong engkanto sa Syaka noong mga panahon na iyon: sina Ran Hadi Agbayani, Blanga Balani, Galang Kaluluwa at Sa-O. Binago ni Akkou ang batas hingil sa pagluklok ng mga miyembro ng Konseho. Kung dati ay binubuo lamang ito ng mga babaylan, ngayon ay isinama na ang mga engkanto sa ranggo nito." paliwanag ni Bastian.

"Tama si Bastian. Noong mga panahon na iyon, ang mga heneral ng Kayumanggi ay si Bastian, si Anastacio, ako at si Kasimira Angoro. Matapos akong gawing miyembro ng Konseho, pinalitan ako ni Arimateya Lira. Ngunit nagtaka kaming lahat noong bigla siyang naglaho matapos siyang pumunta sa Tawalisi para sa isang misyon." pagpapatuloy ni Zenaida.

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon