Bente Tres: Araw ng Patay

2.6K 59 31
                                    

Inaalay ko ang kabanata na ito kay Psychrosis :-) Mag-uumpisa na ang Minolo War story arc. 'Wag bibitiw! Enjoy reading! :-)

----

            Napatingin si Lilagretha sa kalangitan. Wari’y nakabakas ng hindi magandang pakiramdam ang rani kaya’t napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo sa pasilyo ng mausoleo.

            “Parating na ang kadilimang babalot sa Minolo,” umpisa ni Lilagretha na sinundan ng kanyang pagsamabit ng isang orasyon:

“Lakan ng dumadagungdong na galit…. Ibagsak ang poot mula sa langit…. Nagliliwanag na punyal ng katarungan…. Iyong itarak sa mga tampalasan! Halina, Kidu!

            “Rani, kailangan na po nating bumalik sa palasyo,” paanyaya ni Saavedra habang nakalahad ang kanyang mga kamay sa mahal na rani. “Kailangan na po nating pamunuan ang--”

            “Saavedra, pangunahan mo ang mga mandirigmang babaylan. Hihintayin ko ang paglabas ng dayanghirang sapagkat mayroon pa akong nais malaman. Huwag kang mag-alala; baka nakakalimutan mo, si Bidasari ang humalili sa akin sa palasyo. Magtiwala ka sa kanya,” wika naman ni Lilagretha na sinundan ng isa pang orasyon na nagpaigting sa lakas at dalas ng pagkulog at pagkidlat sa labas ng kuweba ng mausoleo:

            “Lakan ng dumadagungdong na galit…. Pawalan sa kalangitan ‘yong nagngingitngit na hagupit…. Basagin ng kulog ang kaulapan; gunawin ng kidlat ang kalupaan!”

----

            Nabalot ng nagdidilim na kaulapan ang Minolo. Tila kinubli sa gabi ang kalangitan. Sinundan ito ng marahas at matatalim na kulog at kidlat na gumuguhit sa kalupaan sa bawat pagbulusog nito. Sumasabog ang kidlat sa tuwing tumatama ito sa mga papalapit na wak wak at ek ek na lumilipad papalapit sa territoryo ng bansa. Hindi pa man nakakalapit ay nababawasan an ang puwersa nina Mayari at Melinda.

            “Heneral Melinda, babaylan ba ang rani ng Minolo o halimaw?! Paano niya nagawang magtaglay ng ganito kalakas na kapangyarihan? Marahil ay kaya niyang paslangin ang libo-libo nating kawal ng nag-iisa lamang siya!” nag-aalalang tanong ni Mayari kay Melinda. Nabahala ang babaylan sapagkat nagmistulang nagpapatay ng mga lumilipad-lipad na lamok ang kidlat na tumutusta sa mga kawawa nilang puwersa. Ngiti lamang ang nasagot ni Melinda; inasaahan na niya na ito ay mangyayari.

            “Huwag kang mabahala, Mayari. Ayon lahat sa aking plano ang mga pangyayari. Let the war game begin,” pagtatapos niya na sinundan ng kanyang pagsambit ng orasyon:

“Lakan ng hindi natitinag na pag-intindi…. Bumangon at dinggin ang aking tinig… Iyong yanigin ang kalupaan…. Paghihirap ay bigyang katapusan! Halina, Batungbayanahin!

----

            “Prinsesa, lumilindol po! Lumilindol po!” babala ng mga tagapayo na nakapalibot kay Bidasari. Tila tumatalbog ang palasyo sa tindi pagyanig ng kalupaan. Dinama ni Bidasari ang sahig bago pa man magpahayag ng kanyang mga utos.

            “Makinig kayong lahat sa akin. Hindi lumilindol; mayroon isang babaylan na gumigising sa mga bangkay ng mga namayapa na. Ang pagkalabog ng lupa ay ang pagmartsa ng mga namayapa na pabalik sa mundo ng mga nabubuhay. Ihanda ang mga kawal at paligiran nila ang kapitolyo. Patulugin lahat ng mga mortal. Papakawalan ko ang adarna upang mapabilis ang paglikas sa mga normal na tao. Pagsama-samahin ninyo lahat ng tao sa ilalim ng azotea ng palasyo,” utos ni Bidasari. Mabilis na naglakad ang prinsesa patungo sa azotea ng palasyo, singbigat ng dagungdong ng kulog ang bawat hakbang niya. “Gusto mo ng gulo? Bibigyan kita ng gera,” sambit ng prinsesa sa kanyang sarili. Sumigaw siya ng malakas at umatungol ito sa buong kaharian:

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon