Bente Dos: Panglima

2.6K 72 18
                                    

Inaalay ko ang kabanata na ito sa bago kong mambabasa, si StephanieJunio. Salamat po sa nakakatabang-puso na komento. WOW! 2,000 reads and counting! Hindi ko inakala na dadami pa ng ganito ang mambabasa ng Dayanghirang, kaya salamat po sa suporta!

Bago mag-umpisang magbasa, I have a suggestion. Kakanta po si Sarry sa kabanata na ito, at hihiramin ko ang awitin ng paborito ko, si Miss Grace Nono. Bago po ninyo basahin ang kanta, I recommend you play the song para mas ma-feel ninyo ang awit. Pero if hindi ninyo po ma-play ay okay lang, I provided the lyrics of her song. *DISCLAIMER* ang awit po ay pagmamay-ari ni Ms. Grace Nono, I do not intend any copyright infringement of the sort. This is only for the purpose of enhancing your reading pleasures. :-) Kapag ready, set, go na po kayong makinig sa kanta, ito po ang link; all you have to do is play the 1st one na may title that corresponds to the song that will be mentioned in the story. Enjoy! :-)

http://www.oovrag.com/music/originalThin/players/gracenono.htm

 ----

            “Case study number 30: Subject, Maria Urduja Datinguinoo. Ang aking huling pananaliksik ay may kaugnayan sa Pangangalap. Ngayon, napatunayan ko na hindi mapipigilan ang ganitong pangyayari tuwing ikalabing-walo at ikadalawampu’t-isang kaarawan ng babae at lalaking babaylan. We have always thought that the awareness of one’s age contributes a significant bearing to this phenomenon. Upang malaman ang kasagutan, case study number 30’s knowledge of her age was altered by changing her birthday. The result is astounding; the body’s physical age cannot be altered by a person’s mental awareness--”

            Natigilan si Simeon sa kanyang pagsasalita. Napapikit ang doktor at hinawakan ang Piedras Platas sa kanyang harapan. Mula sa nag-aalab nitong kulay na karbungko, nalagas ang pulang-pulang balat nito at sa loob ay lumiliwanag sa kaputian ang kalooban nito. Naging kulay perlas ang puno.

            “You’re very convenient, my friend,” wika ni Simeon sa Piedras Platas. “Ang karbungko mong hitsura ay may kapangyarihang painitin ang paligid samantalang ang perlas mong hitsura ay may kapangyarihang idokumento lahat ng makikita, maririnig, mararamdaman, maaamoy sa kapaligiran at maging ang lasa ng kahit anong bagay hangga’t sakop ito ng iyong territoryo mo na isang metro,” dagdag pa ng doktor.

            Bago nagpatuloy, nagsambit si Simeon ng isang kakatwang orasyon. Mula sa Piedras Platas ay may umahon na kamay. Lumabas ang isang babaeng nilalang na kulay luntian ang buhok at kutis. Nagtataglay ang babae ng mga matang kulay berde at dalawang kamay na gawa sa tangkay ng puno. Walang mga binti at paa ang nilalang; mula sa bewang pababa ay baging lamang ang matagpuan habang lumulutang ito na wari’y lumalangoy sa ere.

            “Mangmangkit, espiritu ng kakahuyan, humayo ka’t mangalap ng impormasyon sa babaylang makikita mo sa aking isipan,” utos ni Simeon habang iniisip niya si Selina. Tumango naman ang mangmagkit at lumipad papaalis sa silid.

            “Heh, in the presence of a newfound discovery; what does your cosmic insignificance actually matter? I’ll see this research through till the end. This is my last responsibility to mankind as a researcher; the right to obtain knowledge.”

----

            “Hindi! Nahuli na ako ng dating!” maingay na daing ni Selina nang matunghayan niya na balot sa masamang presensya ang kanyang tahanan. Nadama din niya mula sa kanyang likuran ang matatalas na lipad ng mga sibat patungo sa kanya.

Lakambini ng nagpupuyos na pighati…. Basagin ang tanikalang pagsisisi… Kumawala sa kulungan ng kalungkutan…. Ibalot sa niyebe ang kalaban! Halina, Amansinaya!

DayanghirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon