Chapter 1

142K 3.5K 299
                                    

Chapter 1: Weird

Mika’s Point of View

Kasalukuyan akong naglalakad papasok ng Villafrancias University. As usual, marami na naman ang mga students na nakakalat dito sa hallway. Yung iba nakikipaglandian at yung iba naman ay naninigarilyo—mapababae man o mapalalaki. Palibhasa malalakas ang impluwensiya kaya 'yan, walang takot sa teachers at principal.

Pang-mayayaman nga 'tong Unibersidad pero yung mga nag-aaral dito ay mga ugaling aso naman. Akala mo wala na talagang halaga ang buhay para sa kanila. Nandito lang para may masabing may pinag-aralan sila.

Sa totoo lang tulad lang din naman 'to ng ibang schools na mahigpit pagdating sa mga students nila. Masyado lang talagang bastos ang karamihan sa mga students at mga walang pakialam. Gustuhin man ng mga teachers na patawan sila ng parusa ay hindi 'yon maaari dahil pinagtatangkaan sila ng parents na ititigil ang pagtulong sa paaralan. Bakit naman sila matatakot? Iyon kasi ang dahilan kung bakit mataas ang sweldo nila.

"Hi, Mika," bati sa akin ng isang lalaki.

Paano naman niya nalaman ang pangalan ko?

Hindi ko siya pinansin. Hinayaan ko lang siya at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hindi naman sa manhater ako, ayaw ko lang talaga nang may kumakausap sa akin na lalaki—lalo na kapag dito nag-aaral. Ginagawa ko ang lahat para hindi na nila ako kausapin o lapitan pa. Magsusungit ako o kaya naman ay hindi ko papansinin.

Hindi pa ako masyadong nakalalayo ay hinila na ako ng lalaki. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalapit sa kaniya, kaagad ko naman siyang natulak dahilan para mapaatras siya. Mabuti na lang at may pader sa likuran niya at doon siya napasandal.

"Nakasinghot ka ba ng drugs? Ang lakas ng loob mo na yakapin ako! Hindi nga kita kilala, e! Ang kapal ng mukha mo!" pagsisisigaw ko sa lalaki. Bwiset talaga! Nakakasira ng umaga!

Ngumiti siya at naglakad papalapit sa akin habang ako umaatras. Dumadami na rin ang mga taong nakakakita sa amin pero wala siyang pakialam.

"Huwag na huwag mo akong sinisigawan kung ayaw mong masaktan." Matalim ang tingin niya sa akin. Hindi ko ipinakita ang takot ko dahil alam kong mas lalakas ang loob niyang takutin ako.

"Kung ayaw mong masigawan huwag kang bastos! Hindi ka pa naman siguro gano'n kasabog para hindi mo maintindihan yung sinasabi ko." Sinamaan ko siya ng tingin at saka naglakad na palayo.

Bwiset talaga!

Pagdating ko sa classroom nagtinginan na naman ang mga bitchesa kong kaklase. Ang kakapal ng make-up. Mukha tuloy silang nadapa.

"Hey, Mika, look at your face. You look so haggard. Bumili ka kasi ng make up para magmukhang tao ka naman,” bungad sa akin ni Ailee. Nasobrahan sa pagka-conyo.

"The second problem Ailee is... wala siyang pera pambili ng make up,” sabat naman ni Briana. Sabay pa silang tatlo na nagtawanan.

Lumunok muna ako bago namaywang sa harapan nilang tatlo.  "Ah, gano'n ba? So, mukha pa pala kayong tao sa lagay na 'yan? Mukha nga kayong member ng mga zombies sa Walking Dead, e."

Napatayo naman silang tatlo sa galit. Mangunguna tapos mapipikon agad kapag pinatulan.

Lumapit sila sa kinaroroonan ko at tangkang hahawakan na nila ang buhok ko. Wala na akong choice kundi pumikit at hintayin na lang ang gagawin nila.

"Don't you dare hurt my girlfriend."

Bakit parang walang sumasabunot sa akin? Isang minuto na akong nakapikit, ah.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now