Chapter 28

41.3K 1.1K 34
                                    

Chapter 28
Offer

M i k a e l a

Naglalakad-lakad ako ngayon dito sa garden ng school. Busy si Shinna ngayon kasi hindi natuloy yung laban nila na dapat isasabay sa contest. Sa isang araw na ata 'yon gaganapin.

Kakaiba sa pakiramdam tuwing nakakakita ako ng gan'to kagandang tanawin. Maraming bulaklak na may iba't-ibang kulay tapos malinis pa ang paligid.

“What the hell are you doing here?” Isang nakakainis na tinig na naman ang aking narinig mula sa aking likuran.    “You're not belong here.” Lumapit ako sa kaniya. Nakakainis na talaga ang bruhang 'to. Humanda ka sa akin!

“Of course, I'm not.”

“Then, Leave.” Tinuro niya ang way palabas ng garden.

“May sasabihin pa ako sa 'yo,” Nginitian ko siya para mas mainis.   “Ikaw talaga ang bagay dito.”

“Alam ko na 'yan, Hindi mo na kailangan sabihin. Bagay ako dito kasi maganda ako tulad ng mga bulaklak.”

Confident masyado!

“That's not what I mean to say, Danna. Bagay ka dito kasi hampas-lupa ka at ang dapat sa 'yo ay tinataniman ng Cactus!” Natatawang sabi ko habang naglalakad palayo sa kaniya. Hindi naman maipinta ang kaniyang mukha nang sabihin ko 'yon.

Hindi ako natatawa dahil nakakatawa ang sinabi ko kun'di dahil sa hitsura ni bruha. Masyado nang masakit ang mga ginagawa nila sa akin kaya dapat ipagtanggol ko din ang aking sarili.

Hanggang sa paglabas ko ng garden, Hindi ko parin mapigil ang tawa ko. Sayang at hindi ko na-picturan yung mukha niya.

Inantay ko kung lalabas siya ng garden agad at hindi ako nagkamali dahil sumunod lang siya sa akin. Masamang-masama ang timpla ng hitsura niya.

“Oh, Bakit ka lumabas?”

“Shut up, Bitch! Makakarating 'to kay James! Makikita mo!”

“Tell him! Gusto mo tulungan pa kita, eh. Baka kasi mahirapan kang magsabi ng totoo.”

“Wala ka nang dapat pang isumbong sa akin, Danna. I heard everything.” Hinila niya si Danna papunta sa kaniyang likuran at tiningnan ako ng masama.

Parang ako lang dati, 'no? Kaso ngayon, Iba na ang sitwasyon. Ako na ang nang-aapi at siya naman ang pinagtatanggol. Pwede ba na ako na lang ang laging apihin?  

“Baby, Help me..” Um-acting pa siya na animo'y natatakot talaga sa akin. The heck!

“Layuan mo si Danna, Mika.” Dagdag nito.

“Alam mo sa sarili mo na hindi ako harmful tulad ng babaeng pinagtatanggol mo ngayon, James.”

“How dare you say that! Naiinggit ka kasi ako parin ang mahal ni James, 'yon ang sabihin mo!”
Ako pa ang nagmukhang masama at inggitera ngayon. Nagseselos lang ako.

“I don't love him and I will never love him.”

Natahimik silang dalawa sa sinabi ko. Naglakad na ako palayo. Akala ko ba naman ay kaya ko nang maging masaya after what I did to her. Mas lalo lang ata akong nasasaktan ngayon, Mas lalo ko lang pinalala ang sitwasyon.

'I don't love him and I will never love him' Isa sa mga salita na sobra akong nahirapan sabihin dahil labag sa aking kalooban at walang katotohanan.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Où les histoires vivent. Découvrez maintenant