Chapter 4

68.1K 1.9K 43
                                    

Chapter 4: Back to Normal?

Mika’s Point of View

Kanina pa siya nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kasi iba ang direksiyon  na tinutungo namin.

“Saan ba tayo pupunta? Subukan mo lang talaga akong iligaw!” sigaw ko.

“Pwede bang manahimik ka muna? May dadaanan lang tayo.”

“E, mali-late na tayo! Ayaw ko pang mapatay ng tita ko!” Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng bakanteng lote. Mabuti na lang at nakaseat-belt ako kundi kanina pa ako tumilapon sa lakas ng pagkakapreno niya. “Papatayin mo ba ako?!”

“Hindi ba gusto mong bumalik? Sige, bumalik ka. Bahala ka riyan kapag may nadaanan kang adik!” Aba! Ang galing naman nito! Siya pa ang may lakas ng loob manakot. Oo, natatakot ako pero babalik pa rin ako! Mas takot ako sa tita ko ‘no.

“E ‘di babalik!” Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse nang bigla niyang pinaharurot ang sasakyan. “Hindi pa ako nakakababa!”

“E ‘di bumaba ka na!”

Nakapikit na ako sa sobrang takot. “Nababaliw ka na ba?! Paano ako makakababa kung umaandar yung kotse?!”

“Kung gusto mo talaga, gumawa ka ng paraan.”

Sinamaan ko siya ng tingin. Napabuntong- hininga na lang ako kasi wala na talaga akong magagawa, ayaw ko namang mamatay. Dapat kasi hindi na lang ako sumama sa bwiset na ‘to!

“Bahala na nga!” Nagcross-arms ako at sumandal sa sandalan ng kotse habang nakasimangot.

“Papayag din pala, ang dami pang sinabi.”

Hindi na lang ako nagsalita. Nakakainis talaga ‘tong lalaking ‘to, e.

“Nasaan ba tayo?” Hindi niya sinagot ang tanong ko. Hinawakan niya ako sa kamay at naglakad na. Gusto kong tanggalin pero parang may nagtutulak sa akin na huwag kong tatanggalin.

Habang naglalakad kami, napansin ko na walang tao sa lugar na ‘to kundi kaming dalawa lang. 

Namangha  ako sa nakita ko. Napaliligiran ng mga puno ng Narra ang buong paligid. Maraming kulay dilaw na bulaklak na nalalaglag mula sa puno. Ang ganda. Nakakagaan sa pakiramdam. Pakiramdam ko nasa Japan ako, hindi nga lang Cherry Blossoms ang nahuhulog sa puno.

Umupo kami sa grass sa ilalim ng Narra. Ngayon ko lang nakita ‘tong lugar na ‘to. Tumingala ako habang pinagmamasdan ang mga nalalaglag na bulaklak, sinasalo ko naman ang iba.

Sariwang-sariwa ang hangin na aking nalalanghap kaya mas nakadagdag ‘yon sa sarap ng pakiramdam.

“Maganda ba?” pagsisimula niya sa usapan.

“Oo, bakit mo ako dinala rito?” Tumingin siya sa akin pero iniwas niya agad ito. Malawak ang ngiti ko habang sumasalo pa rin ng mga bulaklak.

“Wala lang,” matipid niyang sagot.

“Bakit walang tao rito?” tanong ko.

“Pinagawa ko ‘to two years ago. Walang nakakaalam nito maliban sa ‘yo.” 

“Kahit kaibigan mo?”

Umiling siya at humarap sa akin. “Ipapaalam ko ‘to sa kanila sa tamang panahon.”

“Tamang panahon?”

Ngumiti siya at tumayo. Tiningnan ko lang siya. “Huwag mo nang isipin 'yon. Halika na.” Nalungkot naman ako bigla. Parang gusto ko pa kasing mag stay rito. Hindi ako tumayo at tumitig lang sa kaniya. “Mika, we need to go.” Nilahad niya ang kamay niya pero tiningnan ko lang siya. Nagbuntong-hininga siya at ngumiti na naman.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now