Chapter 29

39.8K 1.1K 30
                                    

Chapter 29
CSM Bar

M i k a e l a

“Mika, Malapit nang magbukas ang bar pero bago ang lahat, I want you to know na ayaw kong nali-late ka sa trabaho, Nakakahiya sa mga customers. Make sure that you are always ready sa mga gagawin mong performance at bago ka tumungtong sa stage ngayon, Dapat may talent ka talaga.”

Actually, Ni-isa sa mga sinabi ng Manager wala akong naintindihan. Basta ang alam ko lang ay kinakabahan ako ngayon.

“Did you understand what Manager Dy said?” Tanong ni Tita Clara. Tumango na lang ako bilang sagot.   “Manager Dy, Magaling 'tong si Mika. Nag-aaral siya sa Villafrancias University.”

“Mrs. Marquez, 'diba mayayaman lang ang nag-aaral doon?” Napatingin ako dahil sa sinabi ni Manager Dy. Sa hitsura palang niya halatang masungit na siya kaya hindi ko alam kung magtatagal ako sa bar na 'to.

“Scholar po ako doon.” Tipid kong sagot.

“Matalino ka pala,” Napapabayaan ko na nga ang pag-aaral ko, eh.  “Anyway, I trust Mrs. Marquez. Halata naman na may ibubuga ka sa kantahan.”

“Ang totoo niyan, Sila ng pamangkin ko ang nagpanalo sa Villafrancias University sa singing competition.”

“Congratulations.”

“Thank you po.”

Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap. Kanina pa ako sulyap nang sulyap sa wristwatch ko. Parang masyadong matagal ang oras. Habang tumatagal lalo akong kinakabahan.

“Ms. Mika, Pumunta ka na po sa stage.” Sabi sa akin ng isa sa mga staff.

“Marami na bang tao?” Tanong ni Manager Dy sa babae.

“Yes, Manager.”

“Kung gano'n ay tara na. Panoorin natin siyang mag-perform.” Wika ni Tita Clara sabay tayo sa inuupuan niyang swivel chair. She looks excited.

Umakyat ako sa stage bitbit ang gitara na pagmamay-ari pa ng bar. Nakita ko ang iba't-ibang reaksyon ng mga tao habang nakatayo ako sa stage. Medyo dumilim ang paligid habang nakatutok naman sa akin ang spotlight.

“Where's Angel?”

“Bakit sila nagpalit ng singer?”

“What happened to Angel?”

Marahil magaling ang dati nilang singer kaya siya hinahanap ng mga tao dito ngayon. Natatakot ako na baka ma-disappoint ko silang lahat. Especially, Manager Dy and Tita Clara na mataas ang expectation sa akin.

You can leave me
Take away all that I have,
You can want me
Love me for who I am,
Choices, Romance
Taking me high in the air,
Flyin', so scared
Afraid not to see you again

Dinadama ko ang bawat salitang lumalabas mula sa aking bibig. Pumikit ako no'ng una pero nagpasya na dumilat dahil baka daw mawalan ako ng koneksyon sa mga nanonood.

'Cause I'm scared to death,
Now that I'm losin' you
I'm scared to death,
Knowin' I can't get through
I'm scared to death,
Living this so lonely life without you
Oh baby, I'm scared to death

Narinig kong nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao.

Something's changing,
Giving me fears run through my head
Only find me
Give me the eyes I will understand
Words left unsaid
Leaving me weak on the edge
Getting over
I'm running scared
I can't comprehend

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now