Chapter 13

46.9K 1.3K 30
                                    

Chapter 13
Deal?

M i k a e l a

"Where are you going?” Oh, Bakit nandito pa ang lokong 'to? Nakapamulsa pa habang nakasandal sa pader katapat ng aking kwarto.

“Akala ko ba ay magpapahinga ka na? Ano pa ang ginagawa mo diyan?”

“Mika, Huwag mong baguhin ang usapan. Answer my question.” Napalunok ako. Natatamad na akong mag-explain.

Nginitian ko siya na parang timang kahit tatalon na palabas 'tong puso ko sa sobrang kaba.   “May importanteng lakad lang akong pupuntahan.” Pagpapalusot ko. Mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

“I'll go with you.” Anak ng tokwa naman, oh! Hindi pa naman nagpapapigil 'tong loko na 'to.  Yung ngiti ko, Napalitan ng masamang titig. Nilamukos ko ang aking mukha gamit ang aking palad.

“Hindi na. This time, Hayaan mo akong umalis mag-isa. You need to take a rest.” Umalis siya sa pagkakasandal at lumapit sa akin.

“Para saan pa ang pagpapahinga ko kung hindi ko naman alam kung nasaan ka? Mika, Naninigurado lang ako na safe ka,” Nadako ang aking paningin sa kaliwang tenga niya, May kulay itim siyang hikaw na pabilog lang.    “Are you done checking my face?” Ito na naman siya. Nilalapit na naman niya ang kaniyang mukha sa mukha ko. Mabilis kong iniwas ang pagkakatitig ko sa kaniya. Five second lang naman, eh. Masama ba 'yon?

“Assuming ka. I'm just checking kung may dumi ka sa mukha.” Palusot ko dahilan para mas lalo pa niyang ilapit ang kaniyang mukha. The heck.

Uh-oh, Mali ata ako ng nasabi. Nakasanayan ko na ata na palaging inuuna ang bibig kaysa sa isip, Hays. Malaking problema ba 'to?

“Gusto mo bang ilapit ko pa para makita mo?” Sabi ko na, eh. Maling-mali talaga ang palusot kong 'yon! Nanatili akong tahimik hindi dahil wala akong masabi kun'di sa oras na magkamali akong magsalita, Maglalapat na ang aming labi. Nakakadalawa ka na ngayong araw, ah!

Sinubukan kong umatras pero sa kamalas-malasan, Pader na ang nasa likuran ko. Lord, Help me. I'm trappedNilapat niya ang kaniyang palad sa pader para i-trap ako sa gitna.

“Next time, Matuto ka nang mag-ingat sa sasabihin mong mga palusot.” Thank you, God. Nilayo na niya ang kaniyang sarili. Nakahinga na ako ng maluwag.

Hinawakan ko siya sa kamay at hinila.   “Tara na nga, Samahan mo ako.” Parang kanina pa ako lakad nang lakad pero hindi man lang ako umaalis sa kinaroroonan ko—Hindi naman ako nakasakay sa treadmill, Aber?

“Napapagod na ako, ah,” Reklamo ko.  “Sasama ka ba o hindi?”

“What do you think?”

“Sabi ko nga, Sasama ka. Let's go,” Muli ko siyang hinila ngunit hindi parin siya nagpapatinag.   “Ano ba? Aalis na tayo!”

"Saan ka naman dadaan?” Tumingin ako sa direksyon na pupuntahan ko. Ginamit ko ang aking nguso para ituro 'yon.

“Diyan.” Sambit ko.

"Hindi 'yan ang daan papunta sa baba, Doon sa kabila.”

Hash tag, Napahiya ako ng slight doon. Malay ko ba magpasikot-sikot dito? Naglakad na kami ng sabay. Ang dami pa naming dinaanan bago makapunta dito sa living room, Hindi ko nakabisado 'yon, ah. Ang sakit sa brain. Mas mahirap pa kaysa sa pagkakabisado ng mga formula sa Math.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now