Chapter 25

41.9K 1.2K 56
                                    

Chapter 25
Fiancé?

M i k a e l a

“Good morning!” Bungad ni Shinna pagkababa ko.

“Good morning.”

“Kumain na tayo.” Kasalukuyan na siyang nag-hahain ng pagkain sa lamesa.

“Ikaw ang nagluto?”

“Nope. Nandito na ang lahat ng mga pagkain na 'yan no'ng magising ako kanina. Mainit pa nga, eh.” Parang wala na siyang pakialam kung sino ang nagdala niyan dito, ah? Paano kung may lason pala ang lahat ng 'yan?

Aba, May Pizza pa. Sino naman ang makakaisip na dalahan kami ng pagkain?

“Safe ba 'to?” Tanong ko habang hawak-hawak ang isang slice ng Pizza.

“Try mo,” Sinamaan ko siya ng tingin. Kaya ko nga tinatanong dahil natatakot akong i-try nang walang kasiguraduhan.   “Joke lang! That is safe, Tinikman ko kanina.”

Hindi ko kasabay si Shinna sa pagpasok sa dito sa school. May practice sila ngayong umaga sa music room para sa laban bukas. Syete, kami nga din pala ni Karl! Hindi ko pa nauumpisahan mag-practice.

“Mikay!” Nilingon ko siya. Dinagdagan ng Y ang dulo ng pangalan ko, Ang ganda-ganda na ng Mika, eh. Panira.

“Huwag mo akong tatawaging Mikay, Sakit sa tenga.” Hindi naman ako si Kathryn Bernardo sa Princess and I, 'no!

“Cute kaya,” Kinurot niya ako sa pisngi.   “Tara, Ihahatid kita sa class mo. Sabay tayo mag-lunch, Treat ko.”

“Sabi mo, eh.” Inakbayan niya ako bago naglakad papunta sa room. As usual, Pinagtitinginan na naman kaming dalawa. Hindi sila makapagsalita ng masama dahil ayaw nilang marinig 'yon ni Karl.

Nakatunganga ako ngayon. Hay nako, kahit kailan talaga ay napakatagal ni Krisha. Papasok pa ba 'yon? Magsisimula nang magturo ang professor namin.

Nag-long quiz lang kami tapos lumabas na. Haft day lang kami ngayon para daw makapag-rest ng maaga at magkaroon ng time mag-practice. Bad news nga lang kasi may next class pa at ang masakit, kaklase ko pa si James and his girlfriend.

Kahit hindi pumasok si Krisha sa first class, Thankful parin ako dahil wala yung tatlong pabida sa klase. Nasa gymnasium ang mga 'yon at nagpa-practice ng cheer dance.

“Hey, Bitch!” Nakaramdam ako ng panandaliang pamamanhid sa aking pisngi. Sinalubong lang naman ako ni Danna ng sampal. What's wrong with this woman?

“Bakit ka nananampal? Inaano ba kita?” Iritado kong tanong. Hawak ko ang aking kaliwang pisngi na unti-unti nang nakakaramdam ng sakit. Ito ang kauna-unahang beses na may sumampal sa akin.

“IKAW PALA ANG UMAAGAW SA FIANCÉ KO! YOU'RE A SNAKE!”

“F-fiancé?”

Hinila niya ang aking buhok. Sinasabunutan niya ako at halos ilampaso na sa sahig pero wala akong pakialam. Nakita ko na lang ang sarili ko na umiiyak habang nakaupo sa sahig at sinasabunutan ni Danna. Hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit ako umiiyak kun'di si James. Fiancé na niya si Danna.

Legal age na sila pareho kaya kung gugustuhin nila, Maaari na silang magpakasal.

“Danna, Stop it!”Nakita ko si James na pinipigilan si Danna sa pananakit sa akin. Pareho lang naman kayo, Sinasaktan niyo ako.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now