Chapter 26

40.3K 1.2K 34
                                    

Chapter 26
Contest

M i k a e l a

Halos lumabas na ang puso ko sa kaba. Sobrang dami na ng tao na pumapasok sa school para manood. Hindi lang mga students ng VU ang nandito kun'di pati mga taga ibang university para suportahan ang representative ng kanilang school.

“Mika, Tara sa backstage.” Hinila ako ni Basty. Hindi pa dumadating si Karl, Nakakakaba.

Pinaupo nila ako tapos pinaharap sa may kalakihang salamin. Anong trip ng tatlong 'to?

“Lahat ng magpe-perform, Ihanda niyo na ang inyong sarili. Malapit nang magsimula ang paligsahan.” Rinig kong sabi ng bakla na kanina pa paikot-ikot dito sa backstage.

“Chill ka lang kasi kapag kinakabahan ka ng gan'yan, Baka hindi mo magawa ng maayos ang performance mo.” Sabi sa akin ni Shinna at inabot ang isang bote ng mineral water.

“Simulan na natin.” Napatingin ako kay Krisha na may dala-dalang pouch.

“Okay.” Sagot naman ni Shinna. Ako lang ata ang hindi nakakaintindi ng pinag-uusapan nila.

“Ako na ang magmi-make up.”

“Basty, Sinong--”

Itinukod niya ang kaliwang kamay sa sandalan ng upuan ko.    “Ikaw. Huwag ka nang mag-reklamo. Haharap ka sa maraming tao mamaya, Gusto mo bang magmukhang chaka?” Magtatanong lang ako, eh.

“Dalian mo, ah. Aayusan ko pa siya ng buhok.” Ani Krisha.

“Wait lang, kukunin ko sa kotse yung dress. Nakalimutan ko, eh.”

Mini-make over ba nila ako? Teka, Bakit naman? Singing contest 'to, Hindi beauty contest! In short, Hindi ko kailangan maging maganda.

Light make up lang ang nilagay ni Basty sa akin tapos tinalian ako ni Krisha ng messy bun. Pagbalik ni Shinna, Bitbit niya ang isang floral dress na above the knees ang haba.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nila ako inaayusan ng gan'to.

“Isuot mo na 'to, Magsa-start na.” Sandali akong lumunok. Parang napaka- uncomfortable naman kung ito ang isusuot ko.

“Hurry up, Mika.” Natataranta na ako papunta sa dressing room para magpalit. Ito naman kasing si Shinna, Nagmamadali.

“Woah!”

“Ang ganda mo talaga!”

“Panigurado, Maraming magkakagusto sa 'yo.” Inilingan ko si Shinna. Sa sobra ng kaba na nararamdaman naming apat, Talagang may oras pa siya para mag-isip ng ganiyang klase ng bagay.

“Bakit wala pa si Karl?”

“Dadating na 'yon.”

“Shinna, Nakita niyo ba si Mikay?”

Wtf? Nandito lang ako tapos hinahanap pa niya? Naging invisible ata ako. At pati ba naman sa ibang tao, Mikay ang tawag niya sa akin. Tss. Hinampas ko siya ng medyo malakas para matauhan, Nahawaan ata ako ni Krisha, eh.

“Aray! Miss, Alam ko naman na maganda ka kaya hindi mo kailangan manakit. Mamaya na lang kasi hinahanap ko pa yung partner ko na mukhang--”

“KARL JARED DELO SANTOS!”

“Mikay? Ang bading but, Gush! You look so beautiful tonight.”

“Ilibre mo na lang ako ng pagkain kaysa mambola ka diyan.”

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now