Chapter 11

52.9K 1.4K 40
                                    

Chapter 11
Kidnapped

B a s t y

"Hoy, Bakla! Bisitahin mo nga yung restaurant natin!” Sigaw ni Mama sa akin. Makabakla talaga 'to wagas na wagas, eh.

"Ma, Kahit bakla ako ay hindi mo naman maipagkakailang mas maganda ako sa 'yo 'no." Banat ko kahit alam ko naman na walang katotohanan ang mga pinagsasasabi ko.

"Nako, Tigil-tigilan mo nga ako at baka ikaw ang pahugasin ko ng lahat ng plato dito." Katatapos lang kasi namin kumain kaya maraming hugasan. No way! Baka gumaspang pa 'tong malambot kong palad.

"Si Mama, Hindi mabiro." Siyempre, Bait-baitan ako para hindi makapaghugas, Mahirap na at baka masugatan pa 'tong napakalambot kong balat at siyempre, Imagination ko lang 'yon. Halos magkakalyo na nga ako dahil sa paghuhugas ng pinggan sa restaurant namin. Tuwing may  kasalanan kasi ako pati kaldero ay pinapakiskisan sa akin, Letche!

"Biro-biro. Sige na, Bilisan mo na diyan at kailangan ka do'n."

"Ako na naman maghuhugas ng plato do'n, Ma? Kumuha na lang po kasi kayo ng katulong.” Ang kuripot kasi nito ni Mama pero mahal na mahal ko parin 'yan. Wala na si Papa tatlong taon na ang nakakalipas, Namatay siya dahil sa sakit.

"May sinabi ba akong maghuhugas ka do'n ng plato?”

"Sabi ko nga po wala."

"Oh, Lumayas ka na."

"Pupunta lang ako sa restaurant, Ma. Wala pa akong sapat na pera para lumayas.” Ganito talaga kaming dalawa ni Mama, May lahi atang amazona 'yan kaya kapag sinusumpong ng topak. Nangungurot o kaya naman ay nananabunot, Parang magbarkada lang din kami mag-usap.

Pagkatapos namin magtalakan ni Mama, Umalis na ako para pumunta sa restaurant. Nadaanan ko na naman ang bahay nila Mika at Krisha na wala parin hanggang ngayon. Ka-imbyerna, Hindi man lang sila nagsabi kung saan sulok ng mundo sila lilipad.

"Basty, May naghihintay sa 'yo dito kanina." Bungad ni Manang Rossie, Ang tagaluto dito.

"Sino daw po, Manang?” Pwede naman kasi akong puntahan sa bahay, Bakit dito pa  nagpapakahirap maghintay sa akin? Sino kaya 'yon?

"Hindi nagpakilala, eh. Basta, Hinahanap ka niya."

Bumalik na ulit si Manang sa ginagawa niya. Umupo muna ako. Wala naman nagsabi sa akin na kakilala ko na pupuntahan ako dito. Psh! Nevermind.

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa bulsa dahil may tumatawag—Si Shinna.

“Anong problema mo?” Bungad ko sa kaniya.

[Bakla, Magkita naman tayo!]

"Saan naman tayo pupunta?”

[Kahit saan. Nababagot ako dito sa bahay, eh.]

“Mamaya nang 12pm. Kararating ko lang dito sa restaurant.”

[Yieee, Love ako ni bakla! I'll take a bath first!]

“May itatanong ako sa 'yo mamaya. See you later.” In-end ko na ang tawag. Nilagay ko ulit sa bulsa ko ang cellphone kasi mahirap na, Tumatanda na rin ang Lola niyo. Mamaya, Baka makalimutan ko pa kung saan ko 'to inilagay.

S h i n n a

"Mommy, Aalis po ako mamaya."

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now