Chapter 12

49.9K 1.3K 21
                                    

Chapter 12
Sisiputin

M i k a e l a

“Ma, Buong-buo na ba talaga 'yang desisyon mo? As in, One hundred percent sure?” Pangungulit parin ni Krisha kay Tita Lucy. Paalis na kami para bumalik sa Del Corpus.

“Oo. Babalik naman ako sa atin after one to three months.”

Palakad-lakad ako habang nag-uusap silang dalawa. Hindi ako mapakali. Sana pumayag si Tita Lucy na sumama sa aming dalawa sa pag-uwi sa Del Corpus, Hindi ko na kayang makisama sa James na 'yon. Halikan ba naman ako!

First kiss ko 'yon, eh!

“Tagal pa no'n, Ma.”

“Napag-usapan na namin 'yon ng Tita Elena niyo. Huwag nang makulit.” Mukhang wala na talagang makakapigil sa desisyon ni Tita Lucy. I'm dead.

“Ilagay niyo na ang mga gamit sa kotse. Aalis na tayo.” Wika ni Tita Elena na kalalabas lang ng bahay, Kasunod niya ang bwiset niyang anak na magnanakaw—Magnanakaw ng halik.

“Let me help you.”

“Huwag na, Magaan lang 'to,” Sinamaan ko siya ng tingin. Argh! Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahapon.    “Umalis ka nga sa harapan ko.”

“Nag-aaway ba kayo?” Nagulat ako nang biglang magtanong si Tita Lucy.

“Ah, Hindi po. Sabi ko lang po sa kaniya na ako na ang hahawak sa bag ko para masigurado na hindi makukuha ng MAGNANAKAW.” In-emphasized ko ang word na Magnanakaw habang nakatingin sa kaniya.

Natawa lang siya sa pagpaparinig ko sa kaniya. Aba, Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. Pinagmumukha ko na siyang magnanakaw pero natatawa lang, Tss.

“Kung makapagsalita ka diyan na magnanakaw ako, Parang gustong-gusto mo na akong ikulong.”   Nararamdaman ko ang basa niyang labi sa likod ng tenga ko habang bumubulong siya. Ito ka na naman, Mikaela. Kalimutan mo na muna kung ano man ang nangyari kahapon.

“Kung maaari nga lang, eh. Kaso ako lang ang magmumukhang baliw.”

“Kapag kinulong mo ako sa puso mo, Mababaliw ka talaga.” Halos sumayad sa sahig ang aking panga. Hindi ko namalayan na kinuha na pala niya sa akin ang hawak kong bag. Bwiset talaga.

“Tita Lucy, Tita Andy at Megan, Aalis na po kami.” Kahit hindi kami gaanong close ni Megan, Mami-miss ko parin ang babaeng 'yan. May mga bagay din siyang na-share sa akin na hindi naman dapat—Yung friendship nila ng Ex- Girlfriend ni James.

“Ingat. Bisita kayo ulit.”

Sumakay na ako sa kotse. Tanging si Krisha at Caleb na lang ang naiwan sa labas. Nasa passenger seat naman si Tita Elena dahil driver nila ang magmamaneho.

“Mika, Doon ka umupo sa tabi ni James.” Si Tita Elena naman, eh. Nakaupo na ako dito malayo sa magnanakaw tapos papatabihin pa ako.

Rinig ko ang marahan niyang pagngisi nang makalapit na ako sa tabi niya. Nakatayo parin ako habang sinasamaan siya ng tingin.

“Tabi.” Pinapalo ko ang braso niya para umusog pero parang ako lang ang nasaktan sa ginawa ko. Gusto ko kasing umupo sa tabi ng bintana para hindi ako mainip sa biyahe.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now