Chapter 6

58.4K 1.7K 27
                                    

Chapter 6
Puso o Dugo?

J a m e s

Nandito na kaming tatlo sa lumang hardware kung saan makikipagkita yung gag*ng Luigi na 'yon. Oras na may mangyari talagang masama sa kapatid ko, Mapapatay ko siya.

"Aidan, doon ka sa likod dumaan." Sumunod naman siya at dumiretso na kami ni Bryle sa loob. Dahan-dahan kaming naglakad para hindi nila malaman na nakapasok na kami sa loob. Napahinto kami saglit dahil may dalawang lalaking nakabantay sa isang pintuan, 'yon ang papasok sa budega ng hardware. Sinenyasan ko si Bryle na magpakita sa dalawa.

"Kamusta?" Cool na sabi niya. Napaharap naman sa kaniya yung dalawang lalaki na may hawak-hawak na tubo. Sinugod siya ng sabay. Papaluin na sana siya sa ulo pero nahawakan niya ng sabay yung tubo at inikot dahilan para mabitawan nila yung tubo at napunta na 'yon sa kamay ni Bryle. Sinipa niya ng sabay ang dalawa sa sikmura kaya napahiga ito.

"AHH!" Daing no'ng dalawa. Lumapit na ako at inapakan yung isa sa tiyan.

"Saan nila dinala si Hannah?" Tanong ko. Tinuro naman niya ang pintuan kung saan sila nagbabantay kanina. Lumapit ako sa pintuan at pinakinggan ko muna kung may tao ba talaga sa loob. Wala akong naririnig.

"Subukan niyong bumangon at hahampasin ko kayo ng tubo hanggang sa matapos ang maliligayang araw niyo." Pagbabanta ni Bryle sa dalawa at lumapit na ulit sa akin.

"Tara na."

Pinihit ko ang doorknob. Nakakadalawang hakbang palang kami nang may apat na lalaki ang sumugod. Hinawakan ko ang dalawang kamay ng isa at sinipa sa mukha yung nasa likuran niya napahiga ito sa sahig at hindi na makabangon dahil sa sakit ng kaniyang leeg kaya tinuhod ko na rin ang hawak-hawak ko at tsaka pinagsasapak ko sa mukha hanggang sa makatulog. Sleep well.

Pagkatapos ko sa dalawa sakto tapos na rin si Bryle. Dumiretso kami sa paglalakad pero tinalasan na namin ang aming paningin.

"Kuyaaa!" Napalingon kami sa gilid at nakita ko si Hannah na nakatali ang kamay at paa ng lubid habang nakatayo. Lalapit na sana ako pero biglang sumulpot si Luigi. Kahit kailan talaga, Gag* ang lalaking 'yan.

"Huwag kang atat, James. Nasaan muna si Mika?" Wala talaga akong idea kung bakit si Mika ang hinihingi niyang kapalit.

"Ibibigay ko lang si Mika kapag binigay mo sa akin ang kapatid ko. Kapag may nakita akong kahit na maliit na galos mula sa kapatid ko, Humanda na kayo." Natawa lang si Luigi sa sinabi ko.

"Hindi ako tanga. Alam ko naman na hindi mo magagawang ibigay ang hinihiling ko kasi mahal mo siya," Sinabunutan niya si Hannah kaya napaiyak ito. Nangigigil na talaga ako sa gag*ng 'to! Hindi ko nga sinasaktan ang kapatid ko tapos siya ganon- ganon na lang? F*ck no! "And you want to protect her. Tatanungin kita, James Alcantara. Ang pinakamamahal mong babae o ang sarili mong kapatid?" Ngumisi pa siya.

"Gag*!" Sigaw ni Bryle.

"Malalaman ko kung ano nga ba talaga ang mas mahalaga sa 'yo. Ang tinitibok ng puso mo na si Mika o itong kadugo mo na si Hannah?"

"K-kuya! Please, H-help me!" Ramdam ko ang pangangalay ng kaniyang leeg dahil sa pagkakahawak ni Luigi sa kaniyang buhok.

"Mamili ka sa dalawa, James. Dahil kung hindi, Pareho mo silang hindi maliligtas."

“Let her go.”

Hindi parin niya binibitawan si Hannah.

"Hindi ko bibitawan ang kapatid mo hangga't hindi ko nakikita si Mika. Matuto kang tumupad sa usapan, James."

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now