Chapter 43

40K 1.1K 123
                                    

Chapter 43
Indirect Kiss

M i k a e l a

“Ang lambot talaga ng puso mo, 'no? Isang Sorry lang pinatawad mo na.” Umagang-umaga, sinisermonan na ako ng bruha kong pinsan. Kung hindi lang ako mabait na pinsan, hiniling ko na kay Lord na sana wala pa rin siya sa kaniyang sarili hanggang ngayon.

“Krisha, huwag mo na nga akong sermonan. Ikaw ang sisisihin ko kapag nawalan ako ng gana sa school mamaya.”

“Salamat naman at papasok ka na ngayon, Mika. Sobrang dami mo nang na-missed.” Tama si Shinna, sobrang dami kong absences kahit hindi naman kailangan. Masyado lang ata akong naapektuhan sa nangyari sa amin ni James kaya nawalan ako ng gana mag-aral.

Well, Papasok na ako ngayon kasi inspired na ulit ako. Wala na akong pakialam kung pangit man ang sasalubong sa akin mamaya sa VU.

“So, kami lang ni Basty ang magkasama mamaya.”

“Gano'n na nga.”

May narinig kaming busina ng kotse mula sa labas. Mabilis ko 'tong sinilip sa bintana kung sino 'yon at napangiti na lang nang makita siyang lumabas ng kotse.

“Si James.”

“What are you waiting for?” Sa pananalita ng bruhang 'to, parang gustong-gusto na niya akong itaboy.

“Ingat ka.”

Hindi ko na sila sinagot. Bineso ko sila pareho sabay dampot sa backpack na nakapatong sa ibabaw ng couch at mabilis na lumabas.

“Good morning.” Bungad niya. Gush, Sino ba naman ang hindi gaganda ang umaga kung gan'to ka-gwapo ang bumungad sa 'yo?

“Morning.” Kunwari, tampo pa rin para cute. Mika, kailan ka pa natutong mag-pabebe?!

Kinuha niya sa akin ang backpack na hawak-hawak ko. Nakalimutan ko na kasing isuot sa sobrang pagmamadali na lumabas. Hindi naman obvious na gano'n ako ka-excited na makita siya, 'di ba?      “Morning lang talaga?” Mabagal niyang sabi habang nakatingin sa backpack ko na hawak niya. Medyo nakayuko siya kaya bumabagsak din ang kaniyang buhok. In fairness, bagay kahit walang porma ang buhok.

“Bakit namamaga 'yang mata mo?” Puna ko. Pinipilit ko pang i-angat ang chin niya para mas makita ko nang maayos.

“Kulang lang ako sa tulog,” Umikot siya sa kabila para pagbuksan ako ng pintuan pero hindi ako sumunod. Nakaramdam ako ng pagka-guilty sa sagot niya. Alam ko na may kasalanan ako. Napatingin siya sa kinatatayuan ko nang malaman na hindi pala ako sumunod.   “May problema ba?”

Umiling ako.  “Wala,” Hindi niya siguro ako natiis kaya lumapit ulit siya.  “Alam ko na masyado akong mababaw pero...kasalanan ko ba kung bakit puyat ka?”

Lumawak ang ngiti niya sa labi. Masaya siya habang ako nakasimangot? Ano ba ang iniisip ng lalaking 'to?

“Nagi-guilty ka?”

“Napilitan ka ata kasing puntahan ako sa bar kahit pagod ka na sa school at game mo kahapon,” Ni-side view niya ng kaunti ang ulo niya para itapat sa mukha ko ang kaniyang kaliwang pisngi. Kunot noo ko siyang tiningnan. Mukhang alam ko na kung bakit pero uso pa rin magtanong.  “Bakit?”

“Kiss mo 'ko sa pisngi.”

“Tara na.” Naglakad na ako papunta sa kabila saka sumakay na dito sa kotse.

Sumakay siya nang nakasimangot. “Madaya.” Kinabit niya ang seatbelt ko. Mabuti na lang naalala niya pa kasi minsan barumbado rin mag-drive 'tong lalaking 'to.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now