Chapter 35

39.7K 1.1K 39
                                    

Chapter 35
Nalaman

M i k a e l a

“I thought, Hindi ka papasok ngayon.”

“Hindi naman po pwede 'yon, Manager. Tapos na naman po yung competition at nanalo sina Troy.” Masaya kong kwento sa kaniya. Kunting oras na lang ay sasalang na ako sa stage.

“Close na ata kayo, ah,” Inakbayan niya ako habang naglalakad na kami palabas ng office. Mukha lang kaming mag-barkada. I never thought na magiging gan'to kami kalapit sa isa't-isa. I never thought na makakasundo ko ang nakakatakot at mukhang masungit na si Manager Roshiel Dy.  “'yan ang gusto ko sa 'yo, May pagpapahalaga ka sa trabaho.”

Sarado pa ang bar. Since hindi makakapag-perform ang RITZ BAND, late na 'to bubuksan kaysa sa normal na bukas ng bar.

Niyaya ako ni Manager Dy na sumama sa bahay niya. Nakakatuwa na ang lapit-lapit lang pala ng bahay niya dito sa bar at pwedeng lakarin.

“Mag-kape muna tayo para hindi antukin mamaya. Malamig na din ang panahon.”

“Salamat po.”

Pinatong niya ang isang tasa ng kape sa katapat kong lamesa. Nararamdaman ko na hindi ako masyadong komportableng gumalaw dito sa loob ng bahay niya. Nakaupo lang ako sa couch habang iniikot ng tingin ang loob ng bahay. Nagku-kwento siya habang ako ay nakikinig lang.

Masyadong malaki ang bahay niya para sa kaniya na mag-isa lang. Na-kwento niya na wala pa siyang asawa at mukhang wala na siyang balak. Nasa ibang bansa ang parents niya at doon na gustong mag-stay. Only child si Manager Dy kaya every month ay pumupunta siya sa Canada para bisitahin ang kaniyang magulang.

Tinititigan ko ang mukha ni Manager Dy habang nagsasalita. Napakabata niyang tingnan. Hindi ko nga inakala na Thirty-five years old na siya. Parang nasa Twenty-eight lang, eh.

“How about you?”

“P-po?” Natauhan ako mula sa pagkakatulala. Na-sobrahan ata ako ng pagkakatitig sa kaniyang mukha.

Mahina siyang natawa. Umayos siya sa pagkakaupo sa couch at nag-cross legs.  “Kanina ko pa napapansin na nakatitig ka sa mukha ko. Is there something wrong with my face?”

Mabilis akong umiling.  “Ang ganda at ang bata mo po kasing tingnan, Manager Dy. Bakit hindi ka pa po nag-aasawa?”

“Workaholic akong tao. Iniisip ko na baka hindi ko mabigyan ng time ang magiging pamilya ko if ever.”

“Pero Manager--”

“Huwag mo na akong tawaging Manager. Nasabi ko na ata sa 'yo ang buong pangyayari sa buhay ko kaya Tita Roshiel o Ate Roshiel na lang. Tsaka mo lang ako tatawaging Manager Dy kapag nasa trabaho.”

Lumawak ang ngiti sa aking labi.  “Hindi po kasi bagay sa 'yo ang Tita kaya Ate na lang po. Gusto ko kasing magkaroon ng kapatid na kasing bait mo.” Hay. Ewan ko ba kina Mama at Papa kung bakit ang tamad-tamad. Hindi man lang ako binigyan ng kahit isang kapatid.

“Pareho pala tayo. Gusto ko din ng kapatid pero wala, eh. Muntikan na kasing mamatay si Mom noong ipanganak ako kaya nag-desisyon sila ni Dad na huwag na akong sundan.”

Muli kong tinitigan si Manager Dy. Mas bagay sa kaniya ang may asawa tapos may kandong-kandong o inaasikaso na anak. Sana totoo ko na lang siyang kapatid. Malamang marami akong aral na matututunan mula sa kaniya tungkol sa maraming bagay, lalo na sa pagmamahal.

Nakakalokang isipin na dati, Palagi akong naboboring sa tuwing kwento nang kwento si Krisha o kahit na sino sa mga kaibigan ko tungkol sa lovelife tapos ngayon ako pa 'tong interesado sa gano'ng topic. Gan'to ba talaga kapag In love?

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now