Chapter 24

43K 1.2K 37
                                    

Chapter 24
Partner

M i k a e l a

I hate the way you walk ,
Hate the way you talk,
Hate the way you look at me,

I hate the way you smile,
Hate those big brown eyes ,
'cause I know their not for me,

Cause we can never be ,
More than friends and it hurts me everytime I close my eyes,
all I see is you,

“Letcheng kanta 'yan. Panira ng mood.” Reklamo ni Krisha. Talaga nga naman karelate-relate ang kantang 'yon para sa kaniya.

Yung feeling na hanggang friends lang kayo ng taong mahal mo. Swerte ka na nga kung kaibigan ang turing niya sa 'yo, eh. What if, Stranger ka lang? Mas double ang sakit no'n.

“Doon ka mag-reklamo sa nagpapatugtog.”

“Nasaan ba nanggagaling ang--”

“Umayos nga kayong dalawa. Doon 'yon sa nagtuturo ng Interpretative dance!” Saway ni Basty sa kanila.

“Mika!”

“Bakit, Karl?”Hinahabol pa niya ang hininga niya. Nakatukod ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang tuhod. May hawak siya na parang invitation sa kanang kamay.

Umayos na siya sa pagkakatayo.   “Marunong ka ba kumanta?” Lahat naman ata ng tao ay marunong kumanta, Hindi nga lang lahat ay maganda.

“Ah..Hin--”

“Oo! Oo! Maganda ang boses ni Mika!” Singit ni Shinna. Siniko ko naman siya ng mahina sa tiyan. Balak pa akong ipahamak ng babaeng 'to.

“Really?” Natutuwang tanong niya sa akin.

“Hindi ka--”

“Oo, Mr. Pogi! Maganda ang boses ng pinsan ko.” Isa pa 'tong si Krisha, eh!

“Correct ka diyan!” Sang-ayon ni Basty na ikinalawak ng kaniyang ngiti. Teka, Ano naman kung maganda ang boses ko o hindi?

“Bakit?” Mabilis kong tanong. Tutal, Hindi naman nila ako binibigyan ng chance para magsalita ng matagal.

Tinitigan ko ang kaniyang mukha habang naghihintay ng sagot. Habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa kaniyang mukha ay mas lalo siyang nagiging gwapo sa aking paningin.    

“Kailangan ko kasi ng partner sa singing contest.” Anong pumasok sa isip nitong si Karl at ako agad ang naisipan niyang maging partner?

“Sorry, Karl. Si Shinna na lang kasi singer 'yan.”

Palihim akong napangiti nang makita ko siyang nag-pout. Ang cute! Hindi kasi 'yan ginagawa ni--Nevermind.

“Kung pwede lang, Why not? Remember, May laban din kami sa isang araw.”

“Mika, Please? Iti-treat kita ng pagkain palagi kapag pumayag ka.” Napailing ako. Wala naman siyang mapapala sa akin, Ang kulit-kulit. Pero bakit ba hindi ko siya matiis? Dahil ba sa pagkain?

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Où les histoires vivent. Découvrez maintenant