Chapter 17

47.2K 1.4K 29
                                    

Chapter 17
Knight In Shining Armor

M i k a e l a

Naghugas muna ako ng mga pinagkainan. Sanay naman ako sa ganitong gawaing-bahay, Ako kasi ang palaging nagpi-presintang maghugas kasi ayaw ni Krisha.

“Magpahinga ka na, May pasok bukas,” Paano niya ako nakita eh, Nasa likuran niya ako? Nako, iba na 'to, Maligno ata 'tong si James!   “Susunod ako.”

“Sabi mo, Eh.”

Isasara ko muna 'tong mga bintana bago ako matulog, Baka kasi may pumasok na aswang tapos kunin ang mga lamang-loob ko. Epekto na ata 'to ng kababasa ko ng mga horror books.

Uh-oh. Umuulan pala. Bakit hindi ko naramdaman kanina?

“MAMA!” Napatakip ako sa tenga at napapikit. Sobrang lakas ng kidlat at kulog! Nakakatakot. Tsaka ko lang naramdaman na nakaupo na ako sa sahig. Ang sakit ng balakang ko!

“Mika!?”

Naramdaman ko ang yabag ng paa niya habang tumatakbo papalapit sa akin. Nanatili ako sa aking posisyon. Tinanggal niya ang pagkakatakip ko sa aking tenga. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mata habang nakayakap sa akin.

“J-james..”

“Bakit?”

“K-kumidlat.” Inalalayan niya ako para umupo sa kama. Tumabi siya.

“If you want, Sa kwarto ka na lang matulog.” Napatingin naman ako sa kaniya, Baka pinagti-tripan na naman ako ng lalaking 'to? Pero pagtingin ko, Seryoso ang mukha niya habang nakatitig.

“A-ayaw..” Baka mawala pa ang pagka-Birheng Maria ko 'no. Tsaka, kahit do'n naman ako matulog gano'n parin, May kidlat at kulog parin akong maririnig.

“Bahala ka. Pupunta na ako sa kwarto.” Tumayo siya at naglakad na palabas ng kwarto ko.

Kaya ko 'to. Hindi ako dapat matakot sa kidlat at kulog na 'yan. Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Antok na antok na ako pero hindi talaga ako makatulog, Tinitiis ko na lang ang takot ko. Naglagay ako ng earphone sa tenga, Walang effect. Kidlat parin nang kidlat at sinasabayan ng napakalakas na kulog.

I can't take this anymore! Natatakot na talaga ako!

Kinuha ko ang unan ko at patakbong lumabas ng kwarto. Wala na akong pakialam sa kung ano man ang aking saplot sa katawan, Ang mahalaga ang importante!

Dahan-dahan akong kumatok sa pintuan ng kwarto niya. Halatang kagigising lang ulit nito pagkabukas niya ng pinto.

“Oh, Bakit hindi ka pa natutulog?”

Sinuklay niya ang kaniyang buhok pataas gamit ang kanang kamay. Medyo singkit na ang mga mata niya dahil kagigising lang pero ang gwa--Syete, Kumulog ulit!

“D-dito muna ako sa 'yo.” Gumilid siya para papasukin ako.

“Sabi ko naman sa 'yo kanina, Dito ka na lang matulog tapos ayaw mo pa.” Bumalik ulit siya sa pagkakahiga at ako nakaupo parin sa kabilang side ng kama.

Seriously? Matutulog ako sa tabi niya ng isang buong gabi?

“Sorry kung na-istorbo ko ang pagtulog mo.” Tumingin siya sa akin at umiwas din agad.

“Matulog ka na.” Tumaob siya sa kama pero nakatalikod sa akin. Humiga na ako pero parang pakiramdam ko parin ay nagugulat ako kahit hindi.

2:30 palang ng madaling araw pero hindi na ako nakakaramdam ng antok. Sandali lang akong nakatulog dahil sa takot.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt