Chapter 39

40.7K 1K 53
                                    

Chapter 39
Sino ang nagbigay?

M i k a e l a

“Is this okay?” Tanong ni Bryle pagkapasok naming lahat dito sa apartment. Rent lang daw 'to kasi ayaw ibenta ng owner.

“Are we safe here?” Ani Shinna na nililibot ng tingin ang kabuuan ng apartment.

Actually, okay na okay 'to para sa akin. Parang bahay lang namin nina Krisha na hindi kalakihan pero ang saya-saya ng dating. Puting-puti ang kulay ng pader at may kulay Asul na kurtina.

“Nakita niyo naman na bihira lang ang mga bahay dito sa village.” Saad naman ni Aidan, kilig na kilig naman si Shinna. Salamat nagsalita ka rin!

“Balita ko, marami raw aswang--Aray!” Binatukan ni Allen si Alex.

“Kung wala kang sasabihing maganda, Shut up.”

“Gusto niyo ba?” Napalingon kami kay James na kapapasok lang. Siya ang kumausap sa owner nitong apartment. Nakakatakot nga 'yon kasi ang sungit-sungit ng hitsura, kalahi kasi ni Basty. Siyempre, I'm sure na bibigay agad ang sirenang 'yon sa Prince charming ko.

Tumango ako bilang sagot.   “Okay lang ba talaga sa 'yo na--”

“Its okay, Mika. Araw-araw akong pupunta dito para makasama ka. I know that you will miss me.”

“Thank you, James.” Wika ni Shinna.

“Make sure na kapag uuwi ka, walang makakasunod sa 'yo.” Bilin ni Bryle.

“Don't worry, ako ang bahala,” Sagot naman ni James sabay hawak sa kamay ko. Sumusobra na ang mokong na 'to, ah. Pakiramdam ko, masyado na akong nagiging Easy to get.   “Ihahatid ko siya tuwing uwian.”

Inayos muna namin ang mga mahahalagang gamit. Tinulungan kami nina Allen maglagay ng ibang appliances na pina-deliver pa ni Shinna. Hindi naman gaano kailangan ng maraming gamit pero gastos nang gastos 'tong si Shinna. Naniniwala ako na hindi magtatagal, maaayos din ang lahat.

“Hayaan niyo, kapag nakabili kami ng bagong bahay, doon na rin kayo titira. Mas better kung magkakasama tayo.” Ani James.

“Mika, share tayo ng bedroom, ah.”

“Shut up, Alex.” Suway pa ni James sabay bato sa kaniya ng face towel.

“Ito naman. Joke lang, eh.”

Tapos na rin kaming mag-ayos. Hindi naman kalakihan 'tong bahay, hindi nakakatamad mag-ayos at gumalaw-galaw. Sanay lang siguro talaga ako sa gan'to.

Nakita kong sumulyap si Aidan sa kaniyang wristwatch. Kanina pa mukhang inip na inip ang lalaking 'to habang si Shinna ay kanina pa nag-eenjoy sa pag-sulyap sa kaniyang long time crush.

“Kailangan ko nang pumasok sa Third class.” Feeling ko talaga palagi kapag nagsasalita siya, may bayad. Yung tipong every word na sasabihin niya kailangan magbayad ng One hundred pesos. Sobrang tipid!

“Sabay-sabay na tayo.” Bryle answered. Napatingin na rin siya sa wristwatch niya.

“Don't go outside, okay? If you need or want something, just text me.” Sabi sa akin ni James dahilan para magkatinginan silang lahat. Wala silang ibang nagawa kung 'di ang mapailing.

“Paano kung ako ang gusto ni Mika?” Pang-aasar ni Alex kay James. Pikon naman siya.

“Dadalhin kita dito,” He answered. Lumawak ang ngiti ni Alex habang siya asar na asar pa rin sa mga pinagsasabi ni Alex.   “Pero nakalagay ka na sa kabaong.”

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Où les histoires vivent. Découvrez maintenant