Chapter 15

49.4K 1.3K 38
                                    

Chapter 15
Slow motion

M i k a e l a

5:00 na ng hapon. Dito namin dinala si James sa hospital ng mga Villanueva. Sila pala ang may-ari ng sikat na hospital na 'to. Ayaw pa sana ni James na dalhin siya dito pero mabuti naman at nakumbinsi ko siya. Hindi naman siya kinakailangan i-over night. Lagot ako nito kay Tita Elena!

“Besh, You're really lucky to James.”Naka-pout na sabi ni Shinna. Nakaupo kami sa gilid ng kama ni James, Nakatulog siya sa sobrang panlalambot ng katawan.

“Nakokonsensiya na ako, Ang daming beses niya na akong niligtas sa kapahamakan.”

Ngumiti siya at kinuha ang aking dalawang kamay.   “Hindi 'yan konsensiya, Pagmamahal mo na 'yan para sa kaniya.”

Sa totoo lang, Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kaniya. Sana isang araw ay hindi ako magising na In love na pala ako sa isang Gangster Prince. Tumayo ako.

“Hindi ko alam, Shinna.”

“Are you still uncertain about what you really feel for him?” Humarap ako sa kaniya at bumalik sa pagkakaupo.

“Gano'n na nga.”

“Girl, Ito na yung pagkain na pinabili niyo.” Wika ni Basty na kapapasok lang, Lumabas siya sandali para bumili ng makakain naming lahat. Well, Hindi siya nag-iisa dahil kasama niya ang kambal.

“Nasaan sina Aidan?” Tanong ni Shinna kay Allen. Sus, Tinamaan na naman siya sa crush niyang si Aidan.

“Bibili daw ng pizza.” Biglang nag-sparks ang mga mata namin ni Shinna.

“PIZZA!?” Sabay naming wika, Nagkatinginan pa kaming dalawa. Parehas naming paborito ang pizza.

“Pizza is here!” Bungad ni Bryle.

“Wow.." Lagi talaga kaming nagkakasabay ni Shinna.

“Kambal kayo? Pareho tayo.” Mahina kaming natawa sa pa-inosenteng mukha ni Alex habang sinasabi 'yon.

“James, You're awake.”

Napatingin kami lahat kay James nang marinig ang sinabi ni Aidan. Nakaupo na siya at nakasandal lang.

“Mika, Subuan mo si James!” Sige lang, Isigaw niyo pa talaga.

“AYIEEEEEE.” Pagtutukso nilang lahat sa akin maliban kay Aidan. Hays, May galit ata sa mundo ang lalaking 'yan pero okay lang at least, Hindi siya nakadagdag sa ingay.

Nahihiya pa akong lumapit at umupo sa kama sa tabi niya. Nilapag ko sa lamesa ang pagkain naming dalawa. Namumula na ang mukha ko sa katititig niya sa mukha ko.

“Kainan na!” Sigaw ni Basty, Lahat naman sila nagsimula nang kumain.

“Ah.” Pagpapanganga ko sa kaniya para isubo 'tong Spaghetti.

“I can eat alone.”

“Gusto mo si Alex na lang ang subuan ko?” Ngingiti-ngiti kong sabi. Alam ko naman na hindi siya papayag, Eh.

“Ako na lang ang subuan mo, Mika!” Natatawang sabi ni Alex. Sinamaan naman siya ng tingin ni James.

“Shut up.” Ani James. Sinasabi ko na nga ba, Eh. Kaagad naman siyang ngumanga at sinubo ang pagkain. Seloso!

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now