Chapter 22

41.3K 1.2K 9
                                    

Chapter 22
She's back

M i k a e l a

“Come on, I'll take you to your house. Just point out the way.”

“Okay.” Gusto ko man mag-stay dito kaso wala na akong magagawa. Ma-istorbo ko pa siya.

Kinuha niya muna ang susi ng kotse sa condo niya dahil nakalimutan niya daw habang ako naman ay nakaupo lang dito sa swing. Gusto kong makapag-isip sa lahat ng nangyayari.

Ano na lang ang gagawin at sasabihin ko kapag nagkita kami mamaya? Hays.

After ten minutes, Dumating na siya. Pumunta kami ng parking lot. Sumakay na ako sa kotse niyang makintab at mukhang bagong bili lang.

“Nice car.”

“Thanks. Kauuwi ko lang kasi galing sa South Korea kaya bago lang 'to.”

“You mean, Half Korean ka?”

“No, I'm pure Pilipino. Umuuwi lang din naman ako sa Korea tuwing summer vacation kasi tinutulungan ko ang Tito ko sa mga business namin doon.” Hindi na ako magugulat, Mukha naman talagang mayaman 'tong si Karl. Ang pinagkaiba lang, Hindi siya katulad ng ibang mga students dito na mata-pobre.

“Sinong kasama mo sa pag-uwi dito?”

“Dati, Wala. Ngayon, sumama sa akin yung pinsan kong babae dahil may gusto siyang balikan,” Sinuot niya ang seatbelt sa akin.   “Don't worry, Hindi ako mabilis magpatakbo. Sini-sigurado ko lang na safe ka.”

“Maraming salamat.”

Mga twenty minutes bago kami nakarating dito sa bahay. Nakasarado ang lahat ng bintana kaya alam ko na wala parin siya hanggang ngayon.

Kinuha ko ang duplicate ng susi ng bahay sa bag ko.

“Dito ka pala nakatira.” Saad niya habang nakapamulsa at nakangiti na pinagmamasdan ang bahay.

“Hindi 'no. I mean, dito ako nakatira pero hindi sa amin ang bahay na 'to. Hindi kami sobrang yaman para makabili ng gan'to, 'no.”

“Sino naman ang kasama mo diyan?”

“Si Ja--”

Biglang tumunog ang cellphone niya. Pinag-isipan ko pa naman kung sasagutin ko ang tanong niya o hindi tapos mauudlot ng gano'n-gano'n lang.

“Excuse me, Mika. Sasagutin ko lang ang tawag ni Mom,” Tumango lang ako. Nagulat ako nang nakabalik siya agad.   “So, Sino nga ulit?”

“Basta, Isang walang kwentang tao.” Sagot ko.

“Mukhang inis na inis ka, ah.” Hinawakan pa niya ako sa ulo at hinimas ang aking buhok. Gush, Karl!

“Pasok ka muna.”

“Hindi na. Nangungulit na kasi si Mom na umuwi na ako. Mag-iingat ka, okay?” Sabay kurot niya sa kaliwang pisngi ko. Aray.

“Maraming salamat.”

“Kanina mo pa sinasabi 'yan. Basta simula ngayon, Magkaibigan na tayo.”

Ngumiti ito at pumasok na ng kotse niya. Nag-wave na ako at pumasok na ng bahay. Expected ko na talaga na wala ang lalaking 'yon dito pero hindi 'to ang gusto kong madatnan. Nasaan na ba kasi siya?

“Girl, Open the gate!” Sigaw 'yon mula sa labas.

Pambihira, Kapapasok ko lang tapos may umistorbo na agad. Kilala ko na ang boses na 'yon, eh—kay Shinna.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now