Chapter 23

42.2K 1.1K 86
                                    

Chapter 23
Broken

M i k a e l a

Parang winawasak parin ang puso ko hanggang ngayon. Hindi ko nga alam kung paano ko haharapin si James kung sakaling magkita kami mamaya sa VU. Naubos na ata ang luha ko sa kakaiyak kagabi. Hindi pa rin siya umuuwi.

Kamalasan nga naman, kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kaniya, Tsaka naman bumalik ang babaeng una niyang minahal. Sigurado ako na may nararamdaman parin siya para kay Danna kaya dapat siguro ay manahimik na lang ako.

Lalabanan ko na lang 'tong nararamdaman ko kahit pakiramdam ko ay unti-unti na akong tinatalo nito. Alam ko na wala na 'tong kahahantungan pa, kailangan ko nang tanggapin ang lahat dahil wala na din naman akong choice. Mas masasaktan lang ako kung ipagpipilitan ko ang aking sarili sa kaniya.

Sa pangalawang pagkakataon, Naranasan ko na naman ang masaktan at ang masaklap, Mas masakit pa ang nararamdamn ko ngayon. Parang pinipiga ang puso ko upang unti-unting maubusan ng dugo.

“Your thoughts seem to be deep.” Napatingin ako sa katabi ko at nakita ko si Bryle na sinasabayan akong maglakad habang nakapamulsa.

“Ikaw pala.”

Huminto ako sa paglalakad dahilan para mapahinto siya. Tinitigan ko ang kaniyang mukha at tiningnan ang mga braso upang i-check kung may mga galos siya sa katawan. Wala akong nakita kahit isa.

Kung siya nga ay walang galos, Si James pa kaya.

“May problema ba?”

“W-wala naman,” Huminga ako ng malalim.   “Nasaan si James? Hindi pa kasi siya umuuwi.” Siya na ang nasa isip ko, Siya pa din ang sinasabi ng aking bibig.

“Dadating na 'yon mamaya.” Tinap niya ako sa kaliwang balikat ko at ngumiti.

“Saan kayo nag-stay after ng riot?”

“Sa condo naming lima.”

“By the way, kamusta na pala kayo ni Kristen?” Nag-iba ang timpla ng mukha niya. Mika, palpak ka talaga!     “Uhm, What I mean is nagkakausap pa ba kayong dalawa kahit na break na kayo?” Since nasimulan ko na ang pagtatanong, Itatawid ko na.

Ayaw kong i-open up ang topic about kay Kristen kasi alam ko na masasaktan lang si Bryle, Lalo na't alam kong mahal na mahal niya si Kristen pero wala kasi akong maisip na paraan upang pagtakpan 'tong nararamdaman ko ngayon. Feeling ko tuloy ang selfish ko.

“We are still cold with each other,” Nagsimula na ulit kaming maglakad. Wala na akong pakialam sa kung ano man ang sinasabi ng mga tao tungkol sa amin ni Bryle.     “Hindi ko na siya kilala, Mika. Hindi na siya ang Kristen na mahal na mahal ko..”

“Sorry..”

“Its okay. Gusto ko nga na nalalabas ko ang aking nararamdaman kahit papaano. Thank you.”

Ipinatanong ko ang aking kamay sa kaniyang kaliwang balikat kahit may kahirapan dahil matangkad siya.   “People change.”

“She promised me that she will never change.” Sinisipa niya ang bawat bagay na makita niya sa kalsada habang papasok kami ng university.

“Promises are meant to be broken.” Siya nga, Nakalimutan na ata ang pangako sa akin.

Hindi na nga akong naisipan uwian o i-text man lang para sabihin kung buhay pa ba siya, kung kailangan ko na bang magsuot ng itim o babalikan pa ba niya ako.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Onde histórias criam vida. Descubra agora