Chapter 36

37.9K 1K 50
                                    

Chapter 36
Realized

M i k a e l a

Inis na inis ako habang mabilis na naglalakad dito sa gilid ng kalsada. Hindi maiwasan ng mga taong nakakasalubong ko ang mapatingin dahil sa hitsura ko ngayon.

Nagulat ako nang biglang may humila sa akin paatras. Kahit hindi ako nakatingin, alam kong siya ang may hawak sa braso ko kaya agad ko 'tong binawi.

“I'm sorry..” Wika niya.

“Sorry?” Hindi makapaniwalang tanong ko. After everything that's happened, 'yan lang ang sasabihin niya?

“I thought you would be happy when I left you because, that's exactly what you want me to do, right?”

“Do I look happy?” Tinuro ko ang aking mukha.  “Hindi naman ako nakalimot na sabihin sa 'yo na kung hindi naman totoo 'yang nararamdaman mo para sa akin, Huwag mo na ituloy!”

“Noong sinabi sa akin ni Danna na hindi ka niya sasaktan basta sundin ko lang ang lahat ng gusto niya, pumayag ako. She said na layuan kita, So I did. Pumasok sa isip ko na magiging masaya ka kapag nilayuan na kita tapos hindi ka pa niya masasaktan. I did it for your own sake. I don't want you to get hurt.”

Umiling-iling ako habang umiiyak.  “Kahit ipagpalagay natin na hindi kita mahal, Masasaktan parin ako sa ginawa mo. Niloko mo ako, eh.”

“Hindi mo ba talaga ako mahal?” Hinawakan niya ako sa balikat at mahinang inalog. Ngumisi siya pero may halong galit sa kaniyang mata.  “May boyfriend ka na nga pala. It seems like you're happy with him.”

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko. “You're drunk, James. Umuwi ka na.”

“Bakit ka aalis?” Nakatalikod na ako nang tanungin niya ako.

“Bahay niyo naman 'yon kaya doon ka umuwi kung gusto mo. I'm not going there.”

“You're going home with me, Mika.” Hinawakan niya ako sa kamay tapos hinila. Sinubukan kong mag-pumiglas pero wala akong nagawa. Pinara niya ang taxi na dumaan tapos pilit akong pinasakay.

Nililihis ko ang aking tingin sa kaniya. Mahigpit ang pagkakahapit ng kaniyang kaliwang braso sa aking bewang. Wala kaming kibuan hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

“Aalis na ako dito next week.” Wika ko. Napahinto siya sa pagbubukas ng gate at ibinaling ang tingin sa akin.

“No.” Naamoy ko ang alak mula sa kaniyang bibig. Sobrang dami niyang nainom kanina at nararamdaman ko na hindi na kaya ng katawan niyang magtagal pang nakatayo.

“Hindi ako nagpapaalam sa 'yo. Sinasabi ko lang para malaman mo.”

Sinipa niya ang gate. Naglikha ito ng nakakabinging ingay dahilan para mapapikit ako sandali. Nakakatakot siya. Pakiramdam ko, kayang-kaya niya akong saktan anytime. Pinipigilan ko ang luha na kanina pa nagbabadyang lumabas. Sinabunutan niya ang kaniyang sarili dahil sa sobrang galit.

“Pag-usapan natin 'to nang maayos.” Pumasok siya tapos sumunod ako. Mas makakabuti nga siguro kung 'yon ang gawin namin.

Dumiretso kami sa taas pagkapasok namin ng bahay. Tinext ko muna si Manager Dy bago ko ibinaling ang tingin kay James na malalim parin ang titig.

“Matulog ka muna, James. Bukas na tayo mag-usap.” Akmang papasok na ako sa kwarto nang hawakan niya ako sa kamay.

“Ngayon tayo mag-uusap,” Sabi nito tapos hinila ako papasok ng kaniyang kwarto. Nasa kaniya ang susi nito kaya hindi ako makapasok kapag wala siya dito.  “Marami kang dapat ipaliwanag sa akin.”

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now