Chapter 5

65.1K 1.8K 46
                                    

Chapter 5
Luigi Gimenez
an kong may humawak sa balikat ko.

“Dito ka lang , Huwag kang aalis.” Bakit naman hindi ako aalis?

“James, kailangan kasama si Mika. 'yon lang ang tanging paraan para mailigtas mo ang kapatid mo, Sabi ni Luigi.” Napalunok ako sa sinabi ni Aidan. Nalilito na ako. Kumunot naman ang noo naming dalawa ni James. Is he joking? Kailangan kasama talaga ako? Paano?

“Bakit naman nadamay dito si Mika?”

“Oo nga, Bakit ako? Wala naman akong kasalanan.”

"Tumawag sa phone si Luigi. Kapag hindi daw kasama si Mika, Hindi nila tayo sisiputin.” Tumayo ako. Ano bang pinagsasasabi nila? Sino naman kaya yung Luigi na 'yon? Parang narinig ko na ang pangalan na 'yon pero hindi ko matandaan kung saan at kailan.

“Baka ibang Mika 'yon.” Aalis na sana ako pero hinawakan ako ni James.

“Mikaela Jane Santiago. Hindi ba 'yan ang tunay mong pangalan? Isa pa, Hihingiin ka ba ng gag*ng 'yon kay James kung hindi ikaw ang tinutukoy niya?” Saad ni Bryle.

“Dito ka lang,” Sabi nito sa akin bago tumingin sa kambal.      “Alex at Allen, Bantayan niyo si Mika at kami na ang bahala nila Bryle at Aidan sa lahat.” Lumabas na si James. Wala na rin nagawa si Bryle at Aidan kun'di sundin at sundan siya.

“Mukhang mahal na mahal ka talaga ni James.” Natatawang sabi ni Allen habang dahan-dahang dinadampot ang mga basag na plato at baso na binasag ni James kanina lang.

“Oo nga.” Sabat naman nitong si Alex na nakaupo sa tabi ko at kumakain ng Lays. Nakikilala ko parin sila dahil may kunti silang pagkakaiba. Mas mukhang mature tingnan si Allen kumpara kay Alex.

“Hoy Alex, Tulungan mo nga ako dito.” Sumimangot bigla si Alex. Honestly, Nakakatuwa silang dalawa. Isa ba talaga sila sa mga Gangster Princes?

“Wait, Manonood muna ako ng Dora.”

Seryoso? DORA? what the ---.

“Gusto mo bang maging kamukha ni Dora mamaya?” Tumayo naman agad si Alex at tinulungan na si Allen na magpulot. Tumayo naman ako para tulungan din sila. Nakakaisang pulot palang ako, Bigla nilang hiningi yung basag na plato sa akin.

“Akin na 'yan.”Nilahad ni Allen ang palad niya para ilagay ko doon ang mga bubog.

“Bakit?” Tanong ko. Ang OA naman ng mga 'to. Akala mo naman pag pumulot ako ay mamamatay ako.

“Bawal ka tumulong, Lagot kami kay James kapag nasugatan ka.” Sinamaan ko sila ng tingin. Hindi ko parin binigay yung pinulot ko kay Allen.

“Sus, Huwag kayo matakot doon.” Natigilan silang dalawa at nagtinginan.

“Bawal talaga, eh.” Sabi ni Alex.

“Hindi naman nila tayo maaabutan.” Pumulot ulit ako kaya wala na silang nagawa. Choosy pa ba? Ako na nga ang nagmamagandang-loob.

Finally, Tapos na rin kami magpulot ng mga bubog. Gusto ko na lumabas kaso pumasok sa isip ko yung sinabi sa akin ni Bryle. Aish! Kanina ko pa pinipilit isipin kung saan ko narinig ang pangalan na Luigi pero ang problema, Maraming Luigi sa mundo.

Ano kaya ang kailangan niya sa akin?

May atraso ba ako sa kaniya?

Bakit niya ako hinihingi kapalit ng kapatid ni James?

“Sana, Okay lang si Hannah.” Napatingin ako sa kambal na nag-uusap.

“Hindi naman 'yon pababayaan ng kuya niya.”

“Kuya? Ibig sabihin, May mas nakababatang kapatid si James?”

“Yes. Hannah Alcantara is her name.” Sagot ni Allen. Napatango na lang ako at muling bumalik sa pagkakasandal sa couch.

Pakiramdam ko, Dinukot si Hannah nang dahil sa akin. Gano'n ba ako kahalaga sa lalaking 'yon kaya pati mga inosenteng bata ay dinadamay? Teka, Inosente din naman ako, ah. Isa lang akong normal na estudyante at may sariling buhay.

“Tingin niyo, Dapat sumama ako sa kanila?”

“Para sa akin, Hindi.” Ani Alex.

“Gano'n rin sa akin.”

“Hindi niyo ba naisip na dahil sa akin kaya na- kidnapped yung kapatid niya?”

“Its not your fault. Baliw lang talaga ang lalaking 'yon, Mika. Mahal ni James ang kapatid niya pero mahal ka rin niya kaya gusto niya na pareho kayong mailigtas. Kapag sumama ka, Pareho kayong mapapahamak ni Hannah.”

“Oras na makuha ka niya, Mika. Papatayin niya si Hannah.” Dugtong ni Alex.

Never kong naisip na maiipit ako sa gan'tong sitwasyon. Duh, Ako pa ngayon ang nagmukhang may kasalanan ng lahat. Bakit pa kasi siya lapit nang lapit sa akin? 'yan tuloy. Hays.

“S-sino ba si Luigi?”

Lumapit ang kambal sa kinaroroonan ko. Pinagitnaan nila akong dalawa. Wala akong nararamdaman na ilang at inis kasi mabait naman sila—Ibang usapan kapag tungkol kay James. Mamaya, Lagyan pa niya ng malisya.

“Si James lang ang dapat magsabi sa 'yo kung sino si Luigi.” Medyo seryosong sagot ni Allen. May mali ba sa tanong ko?

“Pero pamilyar ang pangalan niya sa akin.”

“Allen, Sabihin mo na. Tutal, Hindi ka naman takot kay James, 'diba?” Feeling ko, Hindi talaga masyado marunong magseryoso 'tong kambal ni Allen. Nagpigil na lang ako ng tawa nang makita ko ang hitsura nilang dalawa.

Nagkamot siya ng ulo.      “Sino naman ang nagsabi sa 'yo?” Tanong nito kay Alex bago muling tumingin sa akin.     “Huwag ka maniwala sa kaniya.”

“Wow, ah.”

“Sabihin niyo na kasi.”

“Sige na nga,” Mukhang napipilitan pa siya.      “Alam mo kasi, Ayaw ni James na may malaman ka tungkol sa mga gan'tong bagay.” Ano ba, Alex? Sasabihin mo ba o hindi?

“Diretsuhin mo na.”

“Tumigil ka nga muna diyan, Alex,” Kabadong-kabado siya habang nakatingin sa akin.     “Siya ang mortal na kaaway namin. Leader si Luigi Gimenez ng kabilang Gang.”

“Luigi Gimenez?” Nanlaki ang mata ko. Naaalala ko na ang lalaking tinutukoy nila.       “Yung lalaking siga na tapos adik pa.”

“Kilala mo?”

“Adik? Tara, Ipakulong na natin,” Akmang tatayo na si Alex kaya hinila ko siya paupo. Magpapakulong siya ng tao, Eh wala naman kaming ebidensiya.    “Joke lang.”

“Oo. Narinig ko ang pangalan niya kay Shinna. Sigurado akong siya 'yon. Hmp! Yung hinayupak na 'yon, Ang lakas ng loob na takutin at pagbantaan ako.”

Nasira na naman ang mood ko. Tuwing pumapasok sa isipan ko yung ginawa niya, Naiinis ako. Mabuti na lang talaga nakawala ako sa kaniya no'n. Sinasabi ko na nga ba't adik 'yon. Paano niya nasisikmurang mangdukot ng bata? Siguro, Sobra ang galit niya dahil sa ginawa ko.



ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now