Chapter 44

55.9K 1.3K 727
                                    

Chapter 44
Who is Teejay Lawrence?

M i k a e l a

Ito ako ngayon sa harapan ni Karl. Hindi ko ma-ipaliwanag sa kaniya kung bakit ko nagawa ang bagay na 'yon. Mabuti na lang nadala niya kaagad si Danna sa clinic. Sina Ailee naman ay hindi masyadong nasaktan.

"Karl, Pasensiya na tal--"

Tinikom niya ang labi ko gamit ang kaniyang hintuturo saka umiling-iling. "Bakit ka magso-sorry sa akin? Wala ka namang kasalanan."

"Pero pinsan mo si Danna at tinulak ko siya sa hagdanan. Hindi ka ba nagagalit o naiinis man lang sa ginawa ko?"

"Problema niyo 'yang dalawa kaya labas na ako diyan. Maski ako na pinsan niya, hindi niya makasundo," Hindi na ako magtataka at magugulat kung bakit hindi sila magkasundong dalawa. "Oo nga pala, na-meet mo na pala yung mga tropa ko sa LU. Nai-kuwento ka nila sa akin, eh."

Napalitan ng pamumula ang pagka-putla ko. Palagi kasing namumula ang mukha ko kapag kinakabahan. Sana naman hindi nai-kuwento ni Troy yung time na nag-dampi ang labi namin!

"Ah, O-oo. Kapalitan ko sila sa trabaho ko sa bar."

"Nagta-trabaho ka sa bar ni Tita Clara?" Oops, nadulas na ang dila ko. "Galing nila, 'no?"

"Yeah. Kaya nila ang iba't ibang Genre ng music."

"Si Troy pa," Sandali siyang ngumisi. "May outing nga pala sina Mommy at Tita Clara kasama ang Mommy ni James, Sasama ka ba?"

Sinuot niya ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang itim na hoodie jacket.

"Bakit ako ang tinatanong mo at hindi si James? Hindi naman ako ang anak ni Tita Elena." Natatawa kong sabi.

"Siyempre, kapag kasama si James hindi maaaring hindi ka kasama," Hindi ako sigurado kung dahil pa sa kaba ang pamumula ng mukha ko o dahil sa kilig na. "Akala mo, hindi ko alam na pinagseselosan ako no'n, 'no?"

"A-alam m-mo?"

"Ni-pat niya ang ulo ko. "Kasasabi ko lang. Sabihin mo sa kaniya, wala siyang dapat ipag-alala kasi crush lang naman kita. Alam mo naman na si Aaliyah Corpuz ang mahal at nililigawan ko."

Lumunok ako. "N-nililigawan mo na si Aaliyah?"

"Anong ganap sa 'yo, Mikay? Ang bagal mag-load ng utak mo ngayon. Gutom ka ba? Tara sa cafeteria."

Bago pa ako makasagot, hinila na niya ako pababa sa hagdan. Grabe 'to, ah. Gumaganti ata para sa pinsan niya. Hanggang pout na lang ako.

"Hindi naman sa wala akong alam sa panliligaw, 'no? Pero ano ba sa tingin mo ang regalo na magugustuhan ni Aaliyah?" Palusot pa 'tong si Karl, eh, halatang-halata naman na sobrang kinakabahan siya at halos hindi na humihinga.

"Pwede bang huminga ka muna? Parang nakakalimutan mo nang huminga sa sobrang dami ng nasa isipan mo."

"Birthday na kasi ni Aaliyah sa Friday. I'm sure invited ka doon dahil kaibigan ka rin ni Ian."

Sandali akong tumahimik. "Wala namang nabanggit sa akin si Ian tungkol sa party, saka kapatid niya ang may birthday at hindi siya." Inubos ko na ang Melon shake na kanina ko pa iniinom.

Palabas na kami dito sa cafeteria nang makita namin sina Ailee, Mia at Brianna na kapapasok lang. May kalayuan kami mula sa kanila kaya sigurado akong hindi nila ako nakikita.

"Anong gagawin ko? Gaganti sila kapag nakita nila ako." Bulong ko kay Karl.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now