Chapter 30

40K 1K 39
                                    

Chapter 30
Naipit

M i k a e l a

“Sumama na lang kayo sa akin mamayang gabi para matigil na 'yang pag-iisip niyo ng kung ano-ano. Game?”

Hay! Kanina pa sila sermon nang sermon tungkol sa pagpasok ko bilang singer sa bar ni Tita Clara. Hindi na ata sila makaka-get over kahit kailan. Mas maganda kung mami-meet nila si Tita Clara para hindi na sila judge nang judge.

“Game!” Sabay nilang sabi.

“Pambihira, katatapos lang ng lahat ng klase natin tapos may pahabol pa kayong sermon.” Nginusuan ko sila. Naglalakad na kaming apat palabas ng VU.  

“Hindi ko nakita si Karl ngayon, ah.” Ani Shinna.

“Bakit mo hinahanap?” Asar ni Basty at tinaas pa ang dalawa niyang kilay.

“Si Aidan lang daw.”

Humarap siya kay Krisha.  “Totoo naman!”

Pagkalabas namin ng VU, Nagpasiya na kaming maghiwa-hiwalay. Meron pa silang sariling pupuntahan pero ang usapan namin ay magkikita kami sa tapat ng CSM Bar mamayang gabi.

Maglalakad na lang ako pauwi para sayang sa oras. Gusto kong makapag-isip pa nang mas matagal.

“Mikay!” Nilingon ko ang tumawag sa akin. Alam ko na kung sino ang may-ari ng boses na 'yon.

“Karl.” Pilit akong ngumiti.

Mabagal lang ang takbo ng kotse niya habang sinasabayan ako sa paglalakad. Nasa isang parte pa kami ng VU kaya walang nakasunod na mga sasakyan sa likuran.

“Sakay na.” Sabi nito tapos ngumiti. Mas nagiging cute siya kapag nakangiti.

“Hindi na. Salamat na lang.”

“Sige ka, kapag may nadaanan kang drug addict diyan tapos--”

“H-huwag ka nga manakot!” Sigaw ko. Seriously, Nagmumukha na kaming timang dito.  “W-wala n-naman akong nadadaanan na d-drug addict dito d-dati, ah!” Binato ko sa kaniya ang hawak-hawak kong folder. Sumakto 'yon sa bintana ng kotse niya kaya pumasok sa loob.

Natawa naman siya sa ginawa ko. Gush, Ano ba ang nakakatawa do'n?   “Ihahatid na kita tapos ayaw mo pa. Miss na kaya kita.”

Huminto ako sa paglalakad kaya hininto niya din ang kotse niya.   “Dahil miss mo ako kaya tinatakot mo ako, Gano'n? Ang dilim na kaya!”

“Sorry na,” Kainis! Bakit ba ang cute ng lalaking 'to?    “Sasakay na 'yan!”

Umikot ako at mabilis na sumakay. Kahit kailan, Hindi talaga pwedeng hindi-an 'tong si Karl. Ang hirap kasing tanggihan dahil cute na nga, Nagpapa-cute pa. Kaya naman ang hirap din itanggi na crush ko siya, eh.

Kapapasok ko lang ng kotse niya nang biglang kumidlat at kumulog. Nakakatinding balahibo.

“K-karl, N-natatakot ako..”

“Don't worry, Ako ang bahala sa 'yo. Mabuti na lang nakasakay ka na kun'di baka hinimatay ka na sa sobrang takot.”

“B-bakit alam mo na takot ako?”

“Usual na sa mga babae ang takot sa kulog at kidlat.”

Umayos ako sa pagkakaupo. Napahiya ang ng slight doon, Slight lang naman. Thank you, Lord. Dumating si Karl para pilitin akong ihatid.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now