Chapter 32

39.3K 1.2K 36
                                    

Chapter 32
I like you

M i k a e l a

“Lalong dumami ang mga customers dahil sa 'yo, Mika. Halatang-halata na gusto ka ng mga tao.” Tuwang-tuwa na sabi ni Manager Dy.

Tapos na akong mag-perform pero pina-stay niya muna kami dito para panoorin ko ang banda na susunod sa akin. Kasalukuyan silang naghahanda para magsimula nang kumanta. Umakyat kami dito sa parang terrace para mapanood namin ng maayos ang performance nila, Madami kasing tao sa baba.

“Salamat naman po kung gano'n. Tsaka nga po pala, Ano po ang pangalan ng banda na 'yan?” Sa kanila ako nakatingin.

“Ritz. It is based on the first letter of each member's name. Roy, Ian, Troy and Zed.”

“Troy. Ka-pangalan ni Ja--” Sinamaan ko ng tingin si Shinna. Hindi ba niya maiwasan na huwag madulas? There's a possibility na kilala ni Manager Dy si James, 'no.

“Si Roy ang guitarist, Si Ian ang drummer, Si Zed ang sa Bass guitar at si Troy naman ang vocalist.”

“Go, Troy!”

They're so handsome!”

Ian, My love!”

Roy, Pa-picture!”

“Zed, I love you!”

Yung totoo, Bar ba 'to o concert? Sikat pala ang mga lalaking 'yan. Pumuwesto na silang apat at nag-umpisa nang tumugtog. Tsaka ko lang na-realized kung bakit sila tinitilian ng mga kababaihan—Gwapo sila. Lalong-lalo na yung vocalist na si Troy.

“They look familiar to me.” Ani Shinna.

“Really?” Nakangiting tanong ni Manager na tila enjoy na enjoy sa pagpapatugtog ng mga instruments ng mga lalaki.

Labis na naiinip,
Nayayamot sa bawat saglit
Kapag naaalala ka,
Wala naman akong magawa

Napahanga ako sa boses niya. Ang lambing at ang ganda na parang nang-aakit. Ang sarap pakinggan at nakaka-chill.

Umuwi ka na, Baby
Hindi na ako sanay nang wala ka,
Mahirap ang mag-isa,
At sa gabi'y hinahanap-hanap kita..

Tumitili na naman ang mga babae at naghihiyawan sa sobrang kilig. Hindi ko sila masisisi kasi kahit ako parang kinikilig din.

Hanggang kailan ako maghihintay
na makasama kang muli sa buhay kong puno ng paghihirap?
At tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha
at naglalagay ng ngiti sa mga labi..

“Aha! Kalaban po namin sila sa magaganap na competition bukas. Glee club members din ang mga 'yan but they're from Lidesma University.” Sagot ni Shinna matapos mag-isip.

'Di mapigilang mag-isip,
Na baka sa tagal ay mahulog ang loob mo sa iba,
Nakakabalisa, knock on wood, 'wag naman sana..

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Donde viven las historias. Descúbrelo ahora