Chapter 37

39.7K 1.1K 71
                                    

Chapter 37
Second chance

M i k a e l a

Pinagmamasdan ko siya habang naghahain ng pagkain sa lamesa. Sa isang iglap, bumalik ang lahat. Bumalik yung times na ang saya-saya ko habang kasama siya sa bahay na 'to kahit hindi 'yon nagtagal. Hindi na ako nagulat nang may maramdaman akong sakit ng kunti sa puso ko.

"Susunduin ka ba dito ng boyfriend mo?"

"Uhm.."

Humarap siya tapos tinitigan ako nang seryoso sa mata. Binababa ko ng kunti ang aking tingin. Ngayon ko lang napansin na may suot siyang apron. Umagang-umaga 'yon ang iniisip niya?

"Sumabay ka na lang sa akin kung hindi." Pinaupo niya ako para magsimula na kaming kumain. Na-kokonsensya na ako sa ginagawa kong pag-sisinungaling.

"B-bakit k-ka ba naglasing kagabi?" Utal pa ang pagsasalita ko. Ang awkward kasi pagkatapos ng lahat ng nangyari, Ito kami ngayon at muling magkasabay sa pagkain. "Nag-away b-ba kayo ni D-danna?"

"You don't have to know, Mika," Hindi niya ako tinapunan ng tingin. "Stop staring. Kumain ka pa."

"Kung may away man kayo, Hindi solusyon ang alak. Do you think na magkakabati kayo kapag naglasing ka? Bakit ba kasi kayo nag-away? Dahil ba nilapitan mo ako--"

"Mika," Mahina lang ang pagsasalita niya pero nakaramdam ako ng takot kaya napahinto ako sa aking pagsasalita. This time, titig na titig na naman siya. "Do you really want to know why?"

Tumango ako bilang sagot. Doon ko na nakita ang galit sa kaniyang mata na hindi ko maintindihan kung saan nangagaling. Bakit siya nagagalit?

Napapikit ako nang bigla niyang hinampas ang lamesa gamit ang kaniyang dalawang kamay. Tumalsik ang kutsara at tinidor sa sobrang lakas ng kalabog. Napalunok ako pagkadilat ko ng aking mata.

"Ayaw ko sanang pag-usapan 'to sa harapan ng pagkain pero pinipilit mo ako!" Sigaw niya. Wala akong nagawa kun'di ang pakinggan siya kahit nanginginig na aking katawan dahil sa sobrang takot. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit sa akin ng ganito. "NAGSESELOS AKO! NAGSESELOS AKO KAY TROY! MAHAL NA MAHAL KITA, MIKA! HINDI MADALI PARA SA AKIN NA MAKITA KA NA MAY KASAMANG IBANG LALAKI!"

“J-james..”

“Now you know kung bakit ako nagpakalasing. Gusto kong makalimutan ang sakit na nararamdaman ko habang magkasama kayo kahapon.” Humina na ang kaniyang boses. Napagod na ata dahil sa biglaang pag-sigaw kanina.

Nang makaipon na ako ng lakas ng loob, Nilapitan ko siya. Hinawakan ko nang madiin ang kaniyang kaliwang kamay habang nakatitig sa mata niya.

“Akala mo ba madali lang para sa akin na makitang kasama mo yung first love mo?”

“Bakit ka naman mahihirapan kung kasama mo naman yung boyfriend mo? Dahil lang ba feeling mo niloko kita kaya mahirap?”

Iniling ko ang ulo ko. Tinanggal ko muna ang tali ng apron sa may likuran ng leeg niya tapos likuran kaya hindi maiwasan na magdikit ang aming katawan. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan at hininga niya. Ang hot niyang tingnan sa maluwag na sando niyang suot.

Bigla niya akong niyakap nang mahigpit kaya sinuklian ko agad 'yon. Ayaw ko nang ma-miss ang chance na mayakap siya pagkatapos ng lahat ng nangyaring masama sa amin. Ayaw ko nang ma-miss yung chance na masabi ko ng harapan na..

“James..”

“I'm sorry. Nadala lang ako ng selos.”

Kumalas kami sa pagkakayap pero magkadikit parin ang aming katawan. Hinahaplos ko ang isang pisngi niya tapos matamis na nginitian. Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari sa sasabihin ko.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now