Chapter 19

45.8K 1.2K 11
                                    

Chapter 19
Mysterious Girl

B r y l e

Imbis na pumasok ako, Pumunta na lang ako dito sa bar nila Aidan. Dito ako laging pumupunta kapag may mga problema akong dinadala.

“Four shots of tequila.” Sabi ko sa waiter. kinuha ko sa bulsa ko ang aking cellphone.

I have to talk to Kristen. Tila meron nagbago sa kaniya. Naging cold na siya sa akin simula no'ng tinawagan niya ako pag-uwi ko galing sa hospital.

And the worse?

I'm now engaged!

In- arranged marriage nila kaming dalawa kahit alam nila na may girlfriend na ako at kahit na pareho naming hindi mahal ang isa't-isa.
Wala akong maisip na dahilan para ipagkasundo kaming dalawa ni Shinna dahil wala naman kaming utang na loob sa kanila at gano'n din sila sa amin.

Si Kristen ang babae na gusto kong makasama for a lifetime. Siguradong- sigurado na ako sa kaniya.

Nakakailang tawag na ako pero hindi niya parin sinasagot. Hindi ko na din  mabilang kung ilang text na ang na send ko. Ayaw niya naman akong kausapin sa personal, Lagi niya akong iniiwasan.

“Sh*t, Kristen! Answer my call!”

“Here are your four shots of tequila, Sir Bryle.” Nilapag niya ang tray sa katapat kong lamesa at umalis na. Kilala na ako ng mga tauhan dito dahil bukod sa lagi akong nandito ay kaibigan pa ako ng anak ng may-ari.

Ininom ko agad ang unang shot at pinagsabay- sabay ko na. Walang epekto sa akin kaya tinawag ko ulit ang waiter.

“Another--”

“Don't give him anymore.” Pagpuputol ng isang babae sa sasabihin ko.

Tiningnan ko siya. Katamtaman ang tangkad, maputi, kulot at hanggang balikat ang kaniyang buhok.  She looked at me and smile.  “I know you have a problem but alcohol is not a solution. You better go home.”

“You don't have the right to stop me from doing what I want to do, I don't even know you,” Madiin kong turan ngunit nagmamatigas parin siya. Ibinaling ko muli ang tingin sa waiter.   “I'm the one you must follow because I'm the customer.”

“Bryle, You're drunk.”

“I'm not yet drunk! And why do you know me?”

“It doesn't matter. Go home.”

Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako lasing. Hindi ko talaga kilala ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

“You're the one who supposed to go home. Don't meddle with me.”

“I'm one of Kristen Garcia's friends and she asked me to tell you that...She's breaking up with you.”

Hinawakan ko ng madiin ang braso niya. nandilim ang buong paningin ko sa sobrang galit. Hindi ako makapapayag na makipaghiwalay siya sa akin. I love her so much!

“Huwag mong sisiraan ang girlfriend ko!”

“L-let me go!” Nagpumilit siyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa braso niya ngunit nabigo lang siya.    “I'm telling the truth, Nasa sa 'yo na kung maniniwala ka o hindi.”

Kulang na lang ihagis ko ang mga lamesa at basagin lahat ng alak na nandito sa sobrang galit. Kung makikipaghiwalay siya sa akin, Bakit hindi personalan? Bakit hindi formal? Parang niligawan ko siya na pasabi-sabi lang sa kaibigan.

“Tell me, Where is she!?” Tumingin siya sa likuran kong lamesa kaya ibinaling ko ang paningin ko doon.

Nakita ko siya. Nakaupo sa lap ng isang lalaki habang mapusok na nakikipaghalikan. Biglang kumulo ang dugo ko. Hinatak ko si Kristen palayo sa lalaki tsaka kinuwelyuhan 'to.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Où les histoires vivent. Découvrez maintenant