Chapter 10

52.8K 1.6K 24
                                    

Chapter 10
Kiss

M i k a e l a

Ito na ang pangalawang araw namin dito. Malaki naman 'tong bahay ni Tita Andy kaya dito na lang kami natulog lahat. Magkakasama kaming tatlo nila Krisha at Megan sa iisang kwarto pero magkakaiba kami ng kama.

Uncomfortable nga si Krisha kasi kasama namin si Megan. Sa akin, Okay lang naman kasi mabait siya sa amin. Nakaupo kaming tatlo sa kaniya-kaniya naming kama. Si Krisha, 'yon sabog. Si Megan ay nagtatanggal ng make up at ako naman ay nakatingin lang sa kanila.

“Salamat naman dahil may kasama ako ngayon. Sobrang boring dito sa bahay kasi wala akong makausap maliban kay Mom. Nag-eenjoy lang ako kapag binibisita ako ni Caleb.”

Alam kong nasasaktan si Krisha sa sinabi ni Megan. Ano ba 'yan, Ang bilis-bilis naman mahulog ng babaeng 'to. Ang bilis din tuloy masaktan.

"Si Caleb talaga ang nagustuhan mo kaysa kay James?”

“At first, James was really the one I wanted but, He didn't like me,” Nilapag niya ang suklay sa tabi ng lampshade.     “That time, My bestfriend is what he wants.”

“Your bestfriend?” Sa pagkakaalam ko ay wala namang malapit na kaibigan 'tong si Megan.

“Correction, Ex-Bestfriend.”

“Sino?”

“Si Danna Marquez, Ang first love ni James.”

“B-bakit sila naghiwalay?”

“Because she chose to be a popular model in Korea than to stay here in the Philippines.” Parang napakababaw naman ng dahilan nila para maghiwalay. Pwede naman ang LDR kung talagang mahal nila ang isa't-isa.

Bakit pa nga ba ako nakikialam sa kanila? Tss.

“Nagalit ka kay Danna dahil siya ang minahal ni James?”

“Nagalit ako dahil nagparaya ako para sa kaniya pero sinayang lang niya 'yon.”

“Hindi naman sapat na dahilan 'yon para kalimutan niyo ang inyong friendship.”

“Kapag nakilala mo na siya, Sasabihin mo na tama lang talaga ang aking naging desisyon.”

“So, Si James parin ang mahal mo?” Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko pa naisipan siyang tanungin tungkol sa feelings niya kay James.

"No. Si Caleb na ang mahal ko," Nakangiti niyang sagot. When I heard those words, Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng mga tinik sa dibdib.    “You're such a lucky girl.”

"Paano mo naman nasabi 'yan?”

"Nililigawan ka ni James. Simula kasi no'ng iniwan siya ni Danna, Nawalan na siya ng gana sa mga babae,” Palihim akong natawa. As if, Seryoso talaga ang lalaking 'yon sa akin. Hindi naman ako papayag na gamitin niya lang ako para makalimot.    “You can ask him.”

"Hayaan mo na, Baka magalit pa 'yon."

Natawa siya.  “Malalaman mong seryoso siya sa 'yo kapag hindi siya nagalit na tinanong mo siya tungkol sa kaniyang past.”

Sandali kaming nahinto sa pag-uusap dahil biglang may kumatok sa pintuan. Si Caleb ang bumungad sa amin na alam kong hindi nagustuhan ni Krisha. Mabilis siyang nagtaklob ng kumot.

“Lunch is ready.”

“Wait for me, Babe.”

“Alright.”

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now