Chapter 42

35.9K 1K 79
                                    

Chapter 42
Misunderstanding

M i k a e l a

So don't go look at me with that look in your eye,
You really ain't going away without a fight,
You can't be reasoned with,
I'm done being polite
I've told you 1, 2, 3, 4, 5, 6 thousand times

“Go, Mika!” Sigaw ni Ian na pasimple ko lang na nginitian. Kadalasan wala pa sila bago ako matapos kumanta pero ngayon, ang aga nila, ah.

Haven't I made it obvious?
(Have I not made it obvious?)
Haven't I made it clear?
(I made it very clear)
Want me to spell it out for you?
(yeah)
F-R-I-E-N-D-S
(I said F-R-I-E-N-D-S)
Haven't I made it obvious?
(I made it very obvious)
Haven't I made it clear?
(I made it very clear)
Want me to spell it out for you?
F-R-I-E-N-D-S
F-R-I-E-N-D-S

Hindi ko sinasadyang madako ang aking paningin kay Troy na malawak ang ngiti habang nakatingin sa akin. As usual, nakasuot na naman siya ng leather jacket.

Ooh, ooh ooh, ooh ooh, ohh ohh ah
Ahh oh, ahh oh, ahh oh.

Bumaba agad ako ng stage pagkatapos kong kumanta. Pumunta ako sa kinaroroonan nina Troy kasabay ng palakpakan ng mga taong nag-iinuman.

“Bagay pala sa Boses mo ang mga Pop songs.” Wika ni Troy.

“Salamat,” Nakangiti kong sagot bago tumingin kina Ian.  “Ang aga niyo ata?”

“Ito kasing si Troy nagmamadali,” Turo niya kay Troy.  “Para raw maabutan namin ang pagkanta mo. Yieee.”

Hinawi niya ang kamay ni Ian na nakaturo sa mukha niya.  “Sinabi ko na sa 'yong huwag kang mag-aadik kapag nandito tayo sa bar.”

“Kamusta na nga pala yung babaeng kasama ni James Alcantara sa pagpunta niya sa Lidesma University noong Glee Club Competition?” Tanong ni Roy na kanina pa tahimik sa tabi ni Ian. Nasa kabilang banda naman niya si Zed na nagpa-practice mag-gitara.

Sandali akong natahimik. Dapat ko bang sabihin sa kanila na okay na kami ni James at manliligaw ko siya? Pero paano si Troy?

“O-okay na kami ni James pero si Danna...” Hindi mabigkas ng bibig ko ang mga susunod kong dapat sabihin kaya nanahimik na lang ako at saka yumuko.

“Sorry for asking, Mika. Nainis lang talaga kami nang slight.” Ani Roy.

“Kalimutan niyo na kasi 'yon.” Singit naman ni Zed.

Umupo na kami ni Troy. Ewan ko ba sa lalaking 'to kung bakit kanina pa nakatayo, eh, may bakanteng upuan naman. Nag-uusap kaming lima hanggang sa ma-realized ko na ako lang ang natatanging babae sa amin. Bahala na nga, kaibigan ko naman sila at nasa bar naman kami.

Malapit na silang kumanta pero wala pa si Manager Dy. Wala rin siya kanina pagdating ko dito.

“Nasaan kaya si Manager Dy?” Tanong ko.

“Hindi nga rin namin alam, eh.” Sagot ni Roy.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago sila umakyat ng stage. Mukha namang hindi pa napapansin ng mga customers na walang kumakanta. Panonoorin ko muna sila bago ako umuwi.

“Ano pa ang ginagawa mo dito?” Isang malamig na boses ang narinig ko mula sa aking likuran. Nakatingin sina Troy sa kaniya habang ako, hindi makalingon sa sobrang kaba. Galit ba siya? Marahan niya akong hinila patayo ng upuan saka ako hinapit sa baywang.  “Sinabi ko sa 'yo na huwag ka nang sasama sa mga lalaking 'to, di ba?” Ramdam ko ang pagdiin ng kamay niya sa laman ko. Marahil hindi niya 'yon nararamdaman sa sobrang galit.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now