Chapter 33

40K 1.1K 65
                                    

Chapter 33
Ideal Man

M i k a e l a

"Kahit sinong manalo mamaya walang samaan ng loob, ah." Paalala ko kay Shinna at kina Troy.

Kasalukuyan kaming nandito sa labas ng Lidesma University. Dito gaganapin ang competition. Nakakatuwa kasi after how many years ay makakapasok na ako ng LU.

"Iri-reserve kita ng seat sa harap, Huwag kang aalis doon hangga't hindi ka namin pinupuntahan." Ani Troy. Kanina pa niya hawak ang isa kong kamay, Parang ayaw na ata niya 'tong bitawan.

"Alalang-alala kay Mika." Tukso ni Ian. Siya talaga ang pinakamalakas ang trip.

"You just met her last night pero gan'yan ka na ka-concern." Wika ni Roy. Ihampas ko kaya sa kaniya ang gitarang hawak niya ngayon?

"Humanap din kayo ng sa inyo." Natatawang sabi ni Zed.

"Wow! How about you, Zed? Meron ka na ba?" Sagot ni Ian.

"Sa pagkakaalam ko, Lahat tayo dito ay single." Ani Roy.

Nakakaloka. Sa gwapo nilang 'yan wala parin silang girlfriend? Well, Hindi na ako magtataka kay Ian kasi halata naman na wala siyang time mag-seryoso. Parang mukhang laro lang ang pag-ibig para sa kaniya. Si Roy naman, Feeling ko hindi babae ang nilalaro niya kun'di Computer Games such as Dota and League of Legends. Si Zed naman, Boyfriend material siya tulad ni Troy. Yung tipong may kalakasan ang trip minsan pero Stick to one at si Troy? Simple lang siyang lalaki pero ang lakas ng dating. Ang gwapo niyang tingnan kapag tahimik lang at nakakakilig once na titigan ka niya sa mata-Masasabi ko na siya ang Ideal Man ko.

"Kinakabahan ako." Kaya naman pala hindi siya halos nagsasalita.

"Okay lang 'yan, Shinna. Natural lang naman ang kabahan kapag tatapak ng entablado," Pagpapakalma ni Troy sa kaniya habang tina-tap ang isa niyang balikat. "Paunahin muna natin ang ibang mga tao bago tayo pumasok." Tumingin siya sa LU at dahil sa may kasikatan pa ng kunti ang araw, Naningkit ang kaniyang mata. I can't stop staring at him.

"Iri-reserve mo pa ako ng upuan, 'diba?" Tanong ko sa kaniya kaya tumingin siya sa akin bigla. Nagkataon na malapit ang mukha ko sa kaniya kaya muntikan na naman magdikit ang aming mga labi.

Mahina siyang natawa nang makita ang gulat kong reaksyon sa mukha. "Yeah. Ako ang bahala," Pinisil niya ang aking kamay. "Tatlo pala ang iri-reserve ko kasi may dalawa pa kayong kaibigan."

"P-paano mo nalaman?"

"Nakikita ko kayo minsan na kumakain sa isang fastfood chain. Sinabi din sa akin ni Shinna kanina habang nasa bathroom ka." Naramdaman ko na parang may gusto pa siya sabihin kaso hindi niya masabi.

Inalog ko ang aking ulo para maalis na 'tong iniisip ko. Guni-guni mo lang 'yon, Mikaela! Don't mind it.

"Uy!" Sobrang lawak ng ngiti ni Krisha. Once in a blue moon lang 'yan mangyari. Sandali siyang natigilan nang makitang may iba kaming kasama.

"Jusko! Akala ko ba naman malapit lang ang LU kung lalakarin!" Reklamo ni Basty na natataranta habang naglalakad sa kinaroroonan namin. May hawak pa siyang pamaypay at pinapaypayan ang kaniyang sarili. Pagewang-gewang na ang kaniyang paglalakad at halatang sobrang napagod siya.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now