Chapter 34

40.5K 1.1K 53
                                    

Chapter 34
Love?

M i k a e l a

Malapit nang magsimula sina Shinna sa pagkanta. Bawat members ay nakatayo ng diretso sa harapan. Tulad ng stage sa VU, May kataasan din ang stage ng LU kaya medyo nasa ibaba kaming mga nanonood.

Pinikit ko ang aking mata habang sumasabay sa palakpakan ng mga tao. Muntikan ko nang makalimutan na katabi ko sina Krisha at nasa gitna nila akong dalawa ni Basty. Kung hindi pa nila ako kinalabit pareho ay hindi pa ako matatauhan.

“Chill. Kalimutan mo muna kung anong nangyari kanina.” Wika ni Basty.

“Pinigilan niyo pa kasi ako. Edi, Sana kalbo na ang bruhang 'yon.” May bahid ng pagkainis na sabi ni Krisha.

Actually, Hindi naman si Danna ang iniisip ko kun'di si James. Siya lang. Ano kayang mangyayari kung sakaling sumama ako sa kaniya kanina? Baka mag-away lang kami lalo no'n. Sobrang hirap niyang intindihin. Nilalayuan niya ako tapos sinusungitan tapos bigla na lang niya akong niyakap sa Grocery store at nag-sorry tapos ngayon, Ang lakas ng loob niyang agawin ako mula kay Troy habang kasama niya si Danna.

Ano ba ang problema mo, James Troy Alcantara?

Sinapo ko ang aking noo. As if, masasagot lahat ng katanungan sa isip ko. Bumalik ako sa realidad. Nasa kalahati na ata ang performance nila Shinna.

Kinakanta nila ang I don't want you to go at ang ganda-ganda ng pagkaka-blend ng kanilang mga boses.

Sunod na pinakilala ng Emcee ang grupo nila Troy. Mga nasa sampu silang lahat at tatlo sa kanila ang babae. Nadako ang aking paningin sa pinaka-magandang babae na kasama nila. Isa siya sa mga nakalaban namin sa Singing Competition at siya yung babaeng...babaeng type ni Karl!

Si Aaliyah Corpuz! Ibig sabihin ba no'n ay kapatid niya si Ian? At matagal nang kilala ni Karl 'tong si Aaliyah kasi barkada niya sina Troy? Gush.

Habang naghahanda sila, Hindi ko maiwasan na huwag titigan ang gwapong mukha ni Troy. Yung tipo na parang siya lang ngayon ang nakikita ko sa stage. Ang lakas-lakas ng dating niya sa akin. Sayang lang kasi si James na ang laman ng puso ko at wala akong magawa para pigilan 'to.

Natigilan ako nang Jealous pala ang kakantahin nila. Ilang beses na akong pinaiyak ng kantang 'yan pero hindi dahil kay James kun'di dahil sa unang lalaking minahal ko no'ng highschool. Ang kantang 'yan ang palagi kong pinapakinggan no'ng sinaktan niya ako kahit masakit.

“I wished you the best of all this world could give,
And I told you when you left me, There's nothing to forgive, But I always thought you'd come back, tell me, All you found was heartbreak and misery
It's hard for me to say, I'm jealous of the way,
You're happy without me..” Sabay ko sa kanila.

“Yieee. She's not crying anymore.” Asar ni Krisha. Saksi kasi sila no'ng mga panahon na 'yon. Nakakatawa lang isipin na umiyak ako noon dahil sa lalaki at ngayon lalaki parin pala ang magiging dahilan kung bakit ako iiyak. Ang masaklap? Wala kaming label no'ng una at gano'n din kay James.

“Sa iba na kasi siya in love.”

“Saktong-sakto, Nasasaktan parin naman si Mika ngayon. Ang kaibahan, Ibang lalaki na ang dahilan.”

“Ubos na ang luha ko sa kantang 'yan kaya manahimik nga kayong dalawa.” Ang totoo niyan, Lalabas na talaga!

Tiningnan nila ako pareho na parang hindi naniniwala. Pupunain na naman sana nila ako kaso nagpalakpakan at naghiyawan na naman ang mga tao. Yung iba, Nahuhuli kong umiiyak na.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now