Chapter 38

41.3K 1K 72
                                    

Chapter 38
Disguise

I v a n

“Ate, kailan ko ba makukuha yung bago kong kotse?” Tanong ko habang nakaupo sa swivel chair na nasa tapat ng kaniyang lamesa.

“When you already have a serious relationship with a girl.” Cool niyang sagot tapos tinaasan pa ako ng kilay.

Saan ba nakukuha ang seryosong relasyon? Kahit saan naman ata ako makapunta, hindi ako basta-basta makakahanap no'n. Napakamot ako sa ulo. Pambihira, hindi man lang nadala sa cuteness ko.

“Saan ba maraming babae na seryoso?”

Tumingin siya sa akin habang patuloy sa pagpapatong-patong ng mga brown envelope na nakapatong sa table.  “Sa Payatas.”

“P-payatas?” Napaisip ako sa sagot niya. Saan 'yon? G*go, 'yon ba yung lugar na pinagtatambakan ng mga basura!? Ang lakas ng tama ng kapatid kong 'to.

Hinampas niya sa akin yung envelope. Sinasangga ko lahat ng hampas niya gamit ang braso ko. Sige lang, Macho naman 'tong kapatid mo, eh!

“Iniisip mo na naman na macho ka! Hoy, mag-aral ka muna at maghanap ng jowa!” Jejemon din 'tong kapatid ko. Jowa?    “Lumabas ka nga muna ng office ko, Ivan! Sayangin mo ang oras mo sa pag-aaral kaysa sa pagtambay!”

“At least, dito lang ako tumatambay.”

“Tumambay ka na kahit saan, huwag lang dito. Marami pa akong kakausapin tungkol sa nangyaring bugbugan kanina, okay?” Pinindot niya ang matangos kong ilong gamit ang kaniyang hintuturo.

Hinawakan ko siya sa wrist at kunwaring naiinis na tinanggal.   “Yuck! Ang tanda-tanda ko na, Ate!”

“Isip-bata ka pa rin kahit anong gawin mo.”

“Basta. I will stay here.”

“Ivan, Gusto mo bang ipabugbog kita sa mga students na kanina pa naghihintay para lang makausap ako? Maiinit pa naman ang ulo ng mga 'yon!”

“Hindi ako natatakot sa kanila!”

Namaywang siya tsaka nginitian ako nang nakakaloko.   “Are you sure?”

“I am!” Mayabang kong sagot tapos tumayo.  “Kaya nga po lalabas na ako, eh.” Bulong ko.

“Siraulo!” Rinig kong natatawang sigaw niya bago ako lumabas ng office.

Si Ate Lyra na ang nagsisilbing nanay at tatay sa akin since highschool kaya gano'n na lang kami ka-close. Naghiwalay ang parents namin no'ng Third year highschool ako at ngayon ay may kaniya-kaniya nang pamilya. Nag-decide siya bumukod ng bahay kasama ako para hindi na ako masyadong maapektuhan. And now, parehong nasa magkaibang bansa ang parents namin para mag-enjoy.

Sinalpak ko ang earphone sa tenga ko tapos nilakasan ang volume ng cellphone para mas marinig ko ang music. Binalik ko ang cellphone sa bulsa ng aking pants bago nagpatuloy sa paglalakad dito sa hallway.

“Ouch!”

Napahawak ako sa dibdib ko nang may mauntok na babae dito. Siya pa talaga ang dumaing, ako kaya ang nabangga. Hindi ako nagsalita. Pinapanood ko siya habang nakayuko at hinihimas ang kaniyang noo.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now