Chapter 41

34.8K 962 48
                                    

Chapter 41
Aswang?

M i k a e l a

“Krisha?” Dahan-dahan akong naglalakad pababa ng hagdan habang tinitingnan sina Krisha at Shinna na nag-uusap sa may living room. Paano niya agad nalaman papunta dito?
Sumulyap ako sa wall clock.   “Gabing-gabi na, ah.”

Imbis sumagot, Tumayo siya mula sa couch at saka ako niyakap.

“Mika..”

Inosente ang hitsura ko na may halong pagtataka habang sinusuklian ang yakap ni Krisha. Wala na akong alam sa mga nangyayari sa pinsan kong 'to simula noong magkahiwalay kami ng tinitirahan.

“Bakit? Ano'ng nangyari sa 'yo?” Ibang-ibang Krisha Mae Perez ang kaharap ko. Pakiramdam ko, wala siya sa kaniyang sarili na hindi ko maintindihan kung bakit.

“Krisha, I think you should take a rest first,” Singit ni Shinna at saka ako tiningnan.  “I will explain.”

Inalalayan na niya si Krisha na umakyat sa taas. Hindi ko pa rin makuha kung ano ang nangyayari kahit kanina ko pa pinag-iisipan kung ano 'yon. Medyo natatagalan na ako kaya sumunod ako sa taas. Dumiretso ako papunta sa kwarto ko dahil bukas ang pintuan.

Nakita ko si Krisha na kinukumutan na ni Shinna. Wala akong magawa kung 'di ang humawak sa doorknob at titigan siya. Ang layo-layo niya sa Krisha na nakilala at nakasama ko. Mukha siyang takot at hindi mapakali.

“Doon ka muna matulog sa kwarto ko. She wants to be alone.” Ani Shinna. Sinara niya ang pintuan tapos pumasok na kami sa kwarto niya.

Malinis ang bawat sulok ng kwartong 'to. Hindi na kailangan pang linisin nang sobra. May mga nakakabit na rin na kurtina tulad sa baba.

Hinawi ko ang kurtina at saka ko binuksan ang bintana para makapasok ang hangin. Medyo mainit dahil electricfan lang ang gamit namin ngayon.

“Another problem na naman ba? Gush, hindi pa nga natatapos yung iba.” Paninimula ko nang makaharap na ako sa puwesto niya.

“I know,”Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga.   “I'm worried, Mika. Si Caleb, tinanong niya kanina si Krisha kung saan tayo lumipat. Hindi sinabi ni Krisha sa kaniya kaya tinutukan niya agad 'to ng cutter sa leeg.”

Umawang ang bibig ko nang marinig 'yon. Nanggagalaiti ako at parang gusto at kaya kong magbuhat ng isang malaking bato tapos daganan si Caleb nito. Sinasabi ko na nga ba, hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking 'yon. Maraming bagay akong napapansin sa bawat kilos at titig niya lalo na tuwing magkasama kami ni James. Hindi ako nagkamali sa pagkakakilala kay Caleb.

“Sinabihan ko na siya no'n habang nasa beach resort kami ni Tita Andy, eh. Unang kita ko pa lang sa Caleb na 'yon, I already know na mayroon siyang hindi magandang ugali. Ano nga ba naman ang magagawa ko sa taong in love, 'di ba?”

I admit na saka ko lang lubusang naunawaan yung feelings ni Krisha para kay Caleb noong nahulog na ako kay James. Iba sa pakiramdam kapag na-fall ka na sa isang tao. Yung tipo na hindi mo na iisipin o alalahanin kung makabubuti ba siya o makasasama para sa 'yo.

Pero hindi naman masama kung makinig ka rin sa iba kung minsan. Minsan, may mga bagay na hindi mo nakikita dahil nabubulag ka sa sobrang pagmamahal. Ang masakit, hindi naman sila.

“Intindihin na lang natin siya, Mika. Saka nangyari na, eh. Tapos na. At least, We already know na masama si Caleb.”

“Kailangan 'to malaman ni James.”

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now