Chapter 8

57.1K 1.6K 29
                                    

Chapter 8
Naguguluhan

M i k a e l a

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Binilisan ko pa lalo dahil hindi ako komportable na mag-isa lang habang naglalakad.

“Ouch.” 

Aray! Ang sakit no'n, ah. Feeling ko, Nauntog ako sa pader. Hinipo-hipo ko ang noo ko na nasaktan dahil sa pagkakauntog.

"Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Tiningnan ko siya at tumingin din siya sa akin.

"IKAW!?" Sabay naming sabi habang nanlalaki ang mga mata.

"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na Tanong ko sa kaniya. Hanggang dito ba naman ay magku-krus ang landas namin?

"Natural maliligo sa beach, Alangan naman mag-aral ako dito." Pilosopo talaga 'tong lokong 'to, Bagay na bagay sila ni Krisha. Sana lang ay magkaintindihan silang dalawa.

"Alam ko. Ang ibig kong sabihin, 'diba dapat nasa school ka?"

Bwiset, Hindi madaan sa matinong usapan.

“Tita Andy invited me.”

"Magkakilala kayo!?" Napalakas ang pagkakasabi ko kaya napatingin sa amin ang mga dumadaan. Okay lang kasi hindi naman nila ako naiintindihan dahil mga foreigner sila.

"Will you stop shouting?”

"Kilala mo nga?”

"Isn't obvious? Kaya ko nga sinabi ang pangalan niya kasi magkakilala kami, 'diba?"

"Oo nga, 'no?" Mabilis kong sagot. My gush, Napahiya ako do'n, ah.

Mika, Hindi ka talaga nag-iisip.

“Nasaan si Krisha?." Bungad ni Tita Andy sa amin nang makapasok na kami ng bahay niya. Nag-iisa lang 'tong bahay na malapit sa beach, Dito siya nagpatayo para daw naaasikaso niya yung beach resort niya.

"Nagpaiwan po doon, Tita." Ayaw ko namang sabihin na may kasama siyang lalaki na kakikilala lang niya.

"Teka, Namumukhaan ko ito," Sabi ni Tita Lucy sabay turo kay James na katabi ko.     "Ikaw yung manliligaw nitong si Mika, 'diba?"  Nakaramdam ako ng hiya kaya yumuko na lang ako. Hindi naman kasi ako sanay at komportable sa ganitong usapan. Gush, Tita Lucy.

"Anak ko 'yan, Lucy." Natatawang singit ng babaeng katabi ni Tita Andy. Ka-edad lang siguro siya nila Tita at tulad ng iba, Maganda parin.

"Bakit gan'yan ka makatingin?" Tanong ko. Naiilang kasi ako sa titig niya.

"Nothing." Lumapit siya sa Mommy niya.

"Did we hear right? Nililigawan mo ang pamangkin ni Lucy?” Tanong nito kay James. Tumingin siya sa akin kaya binigyan ko siya ng 'Subukan-mo-lang-sabihin-look'.

"She does not want to."

I was shocked because of what he said. Muntikan ko na tuloy siyang batuhin ng tsinelas.

K r i s h a

"Guys, This is Krisha." Pagpapakilala niya sa akin sa mga kaibigan niya. Inakbayan pa niya ako kaya kilig naman ang Lola niyo!

"Its nice to meet you, Krisha." Sabay lahat nilang sabi sa akin. Medyo awkward nga lang kasi yung iba ay nakikipagMOMOL sa girls. Tumango na lang ako at ngumiti.

"You want to swim?" Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. Hindi ko kasi alam kung papayag ako. Tama ba 'to?

"Ah, Hindi pa ako nakakapagpalit. Mamaya na lang." Siyempre, Hindi naman ako gano'n ka-easy to get 'no. Oo, gusto ko siya kahit ngayon palang kami nagkita at nagkakilala pero hindi ba pwedeng magusap-usap lang muna kami?

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now