Chapter 20

44.1K 1.2K 36
                                    

Chapter 20
Kristel?

S h i n n a

Wala parin akong tulog hanggang ngayon at wala parin akong balak matulog. Mukhang hindi ko na ata gugustuhin pang matulog dahil sa sobrang pag-iisip ko sa problema.

I hate my Dad. Sa buong buhay ko, Ngayon lang ako nagalit sa kaniya ng ganito. Since I was a child, Hindi niya inisip ang kapakanan ko. Palagi niyang hawak ang buhay ko at kung ano ba ang dapat ko maging desisyon. Ni-hindi man lang niya tinanong sa akin kung magiging masaya ba ako sa desisyon niya o hindi.

He's unfair. Hindi naman purket ama ko siya ay kailangan ko magsunod-sunuran sa kaniya 'no.
Malaki na ako at kaya ko nang mag-desisyon para sa sarili ko.

Tumingin ako kay Mika. Mabuti pa siya, Ang himbing-himbing ng tulog. Minsan, Sumasayad din sa isip ko na kahit wala na siyang magulang ay swerte parin siya kay Tita Lucy. Na kahit wala siyang tatay parang meron parin. Ako? May matatawag nga akong ama pero parang hindi ko naman siya maramdaman.

Dahan-dahan akong bumangon upang hindi niya maramdaman at hindi siya magising. Mabuti pa siguro kung magpahangin muna ako sa terrace.

Tumingala ako sa langit para pagmasdan ang mga bituin. Medyo nakakahinga na ako ng maluwag dahil sa sariwang hangin na aking nalalanghap. Ngunit, Hindi ko parin mapigilan ang aking kunting pag-hikbi dahil sa inis at galit na aking nararamdaman.

“Hindi ka din makatulog?” Pinunasan ko agad ang luha ko sa pisngi bago ako humarap sa kaniya.

“Oo, Bryle..”

“Kung gano'n, Pareho pala tayo.” Tumabi siya sa akin at tumingala din sa langit habang nakatayo.

“B-bakit hindi ka makatulog?”

“Iniisip ko parin si kristen, eh. Hanggang ngayon, Mahal na mahal ko parin siya at masakit para sa akin ang paghihiwalay namin. Pero siya na din ang gumawa ng dahilan para mawala ang tiwala ko sa kaniya.” Nakaramdam ako ng awa kay Bryle. Oo, Tahimik siyang tao pero kapag nakausap mo na, Hindi tipid magsalita.

“Bakit? Ano ba ang ginawa niya?”

“I saw her kissing with the other boy.”

Sa pagkakakilala ko kay Kristen, Hindi siya gano'ng tipo ng babae. She loves Bryle so much at kahit kailan, Hindi niya magagawang lokohin si Bryle.

“B-bryle, Baka naman nagkakamali ka lang ng--”

“No, Shinna. kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano niya ako pinag-taksilan. Muntikan ko na nga mabugbog yung lalaki niya kaso may pumigil sa akin.”

Nasilayan ko ang palihim niyang pagngiti. Alam ko na hindi lang 'yon isang guni-guni. Kahit medyo madilim at tanging munting ilaw lang ang nagpapaliwanag sa pwesto namin, Hinding-hindi niya 'yon maikukubli sa akin.

“I cant believe she can do that.”

“Maging ako.”

“So, What's your plan?” I asked.

“Plan?”

“Sa engagement party natin.”

“Once na um-attend tayo doon, We cant escape anymore.” Tama si Bryle.

Knowing Dad, Oras na bumalik ako sa amin o makita niya ako, Gagawin niya ang lahat para hindi ako makawala at hindi siya mapahiya. Akala kasi niya na kapag pinalayas niya ako, Matatakot ako at susundin ko ang kagustuhan niya but, He's wrong. Very Wrong.

Wala namang preso na gustong bumalik sa kulungan, 'diba?

“Then, Huwag na muna tayong magpakita sa kanila,” Mapait akong ngumiti bago umayos sa pagkakatayo.   “Babalik na ako sa kwarto ni Mika, Baka magising na 'yon.” Tumango lang siya.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Onde histórias criam vida. Descubra agora