Chapter 40

36.2K 1K 55
                                    

Chapter 40
Masama

K r i s h a

Inaayos ko na ang mga projects ko na katatapos ko lang gawin. Sa sobrang kaiisip ko sa kapatid ni James na 'yon, napapabayaan ko na ang studies ko. Nakakatamad naman kasi talagang mag-aral kapag wala kang inspiration.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko 'tong kinuha para tingnan kung sino ang nag-text. Si Shinna. Ni-send niya sa akin ang address kung saan sila nakatira ngayon para makapunta raw kami doon, palihim nga lang. Medyo nakakainis na pati si Mika absent pero iintindihin ko na lang kasi wala ako ibang choice.

Natigilan ako nang may kumatok sa pintuan. Wala naman akong inaasahan na kahit ano. Mabuksan na nga lang, baka may kailangan lang.

Tumayo na ako para buksan ang pintuan. Palagi ko kasi 'tong nila-lock, lalo na't hindi naman namin 'to bahay. Mahirap na kapag natutulog ako tapos may biglang pumasok tapos makita pa ang hitsura ko habang natutulog.

“C-caleb?” Medyo gulat kong bungad sa kaniya. Nakatayo siya sa harapan mismo ng pintuan habang nakapamulsa. Ang gwapo!  “M-may k-kailangan ka ba?” Hindi naman kasi siya pumupunta dito.

“Can I go in?” Tumingin ako sa kaliwa't kanan para tingnan kung may ibang tao, baka kasi iba ang isipin nila. Ayaw ko sana pumayag pero bahay nila 'to, eh.

“I-ikaw ang b-bahala.” Mas ni-wide ko pa ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok siya. Ewan ko ba kung feelingera lang ako o ano pero hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ako kinikilig kay Caleb kung 'di kinakabahan.

Pinagmamasdan niya ang loob ng kwarto habang ako naman ay nagkukunwari lang na may ginagawa. Pasimple ko siyang tinitingnan kung ano'ng ginagawa niya hanggang sa mahuli niya ako. Naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso. Rinig na rinig ko kung gaano kalakas ang kalabog nito.

Narinig ko ang yabag ng paa niya papalapit sa akin. Nakikita ko siya sa peripheral vision ko. I can feel his deep look at me na parang may sinusuri siya sa aking katawan.

“We're friends, right?”

No, we're not!

“B-bakit?”

“You don't treat me as your friend?” Tanong niya dahilan para magkatinginan kami sa mata. Kung alam mo lang, Caleb.

“H-hindi naman sa gano'n pero kasi...”

“Kasi?”

“Wala,” Tinalikuran ko siya para kunwari ayusin ang kama.   “Ano nga pala ang pinunta mo dito?” Tanong ko habang nakatalikod.

“Gusto ko lang sana itanong kung alam mo kung saan nakatira si Mika ngayon. Balita ko kasi na lumipat na sila kanina.” Huminto ako sa pagpapagpag ng kumot. Bakit gusto niyang malaman kung saan nakatira ngayon si Mika?

“Pasensiya na pero hindi ko kasi alam, eh.” Salamat na lang talaga at nakatalikod ako sa kaniya. Hindi ako mahihirapan magsinungaling. Ayaw ko lang magtiwala basta-basta, kahit crush ko pa 'yan, lalo na't kailangan magtago ni Shinna sa parents niya.

“Talaga?” Tanong niya. Tumango naman ako. My eyes widened when I felt that there's a sharp object from the edge of my neck.   “Paano kung gilitan kita ng leeg ngayon, Krisha?”

Nag-uunahan nang magsitulo ang mga patak ng pawis mula sa aking katawan. Tila hindi pa rin totally nagsi-sink in sa utak ko ang lahat hanggang sa iharap niya ako sa kaniya. Masama ang tingin niya sa akin at nakatutok pa rin ang cutter sa aking leeg.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora