Prologue

14.1K 139 3
                                    

3 years ago.

Midtown, New York.

Malakas ang ulan ng araw na iyon ng Biyernes ng hapon, ngunit pinilit pa rin ni Amanda na lumabas ng bahay kahit mahigpit ang bilin sa kaniya ni Chris na magpahinga na lamang sa loob ng penthouse at huwag na huwag siyang aalis ng di ito kasama o ang personal bodyguard na itinalaga nito para sa kaniya.

Pero hindi ito pinakinggan ni Amanda. Sa halip ay pinairal pa rin nito ang katigasan ng ulo, at imbes pa nga na magpahinga ay mas pinili nitong lumabas mag-isa upang pumunta sa pinakamalapit na grocery at bumili ng mga rekados para sa pinaplanong surprise dinner para sa binata. Bumili na rin siya ng ilan pang mga supplies at iba pang mga kagamitan para hindi na siya muling aalis pa ng patakas gaya ngayon.

"Promise, ito na talaga yung last na pagtakas ko." Nakangisi pa niyang paalala sa sarili habang nagmamaneho sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan pabalik sa penthouse na tinutuluyan.

Nang makaparada siya sa harap ng "The Plaza Residences", ang five star building kung saan sila kasalukuyang nakatira ay bumungad sa kaniya roon si Leo, ang isa sa mga personal bodyguard ni Chris na iniwan roon para bantayan siya. At ng makita siya nitong bumaba ng sasakyan ay patakbo itong lumapit sa kaniya upang payungan siya at tumulong na rin sa pagbubuhat ng mga paper bags na naglalaman ng mga pinamili niya.

"Ako na po diyan Ms. Amanda, mukhang marami-rami po tong pinamili niyo ah." Pagpiprisinta pa nito at saka isa-isang kinukuha ang mga paper bag sa compartment ng sasakyan.

"Oo, medyo nabo-bored na kasi ako sa loob ng bahay kaya namili na lang muna ako sa grocery. Isu-surprise ko kasi si Chris." Nakangiting tugon niya kay Leo habang pinapayungan ito pabalik sa entrance ng building.

"Naku, Ma'am dapat hindi po kayo nagda-drive lalo na sa ganitong klaseng sama ng panahon. Mahirap na po at baka mapaano pa kayo sa daan." Paalala ni Leo sa kaniya ng makapasok sila sa lobby ng building.

"Thank you for the concern Leo. But no worries, di ba safe naman akong nakauwi." Nakangiting paalala pa niya rito habang tinutuyo ang sarili mula sa pagkabasa sa ulan.

"Naku, yun po kasi ang mahigpit na bilin ni Sir Chris. Kaya nga po nagulat ako ng makita kayo diyan sa labas at ibang sasakyan ang gamit ninyo." Bakas pa sa boses nito ang pagkalito at pagkapahiya habang napapakamot sa ulo.

"Ah, alam ko kasing hindi naman ako makakalabas na gamit ang sasakyan ko dahil sa sobrang higpit mong magbantay. Kaya nga hiniram ko muna yung sasakyan nina Mrs. Smith para makatakas ako ng di mo napapansin." Paliwanag pa niya kay Leo na bakas sa mukha ang hiya dahil nagawa niya itong malusutan.

"E-eh, Ms. Amanda, wag niyo na pong uulitin yan at baka masesanta ako ni Sir Chris kapag may nangyaring masama sa inyo." Sinserong paalala naman ni Leo sa kaniya. "Tiyak na malalagot ako kay Sir nito pag nalaman niyang nakaalis kayo ng di ko namamalayan."

Na-guilty naman si Amanda ng makita sa mukha ni Leo ang pangamba na baka masisante nga ito sa trabaho. Kung tutuusin ay wala naman itong kamalay-malay sa ginawa niyang pagtakas pero siguradong ito ang mapaparusahan ng binata dahil doon. Lalo pa nga siguro kung may masamang nangyari sa kaniya, tiyak na hindi lang basta simpleng pagkatanggal sa trabaho ang aabutin nito.

"Okay, I promise. Hindi na yun mauulit." Nag-taas pa siya ng kanang kamay para ipakita ang sincere niyang pangako dito. "And don't worry, hindi malalaman ng Sir Chris mo na tumakas ako, let's just say na inutusan kita na ipag-drive ako at tinakot kita para sumunod sa akin. Okay ba yun?" Kinuha pa niya ang kamay nito para makipag-shakehands bilang tanda ng pagpayag sa kasunduan na ganoon ang kwentong pareho nilang sasabihin.

"S-sige po Ms. Amanda, kung yan po ang tingin niyong makakabuti." kakamot-kamot pa sa ulong nahihiyang pagsang-ayon na lang ni Leo sa kaniya.

Alam ni Amanda na may pagka-O.A. sa sobrang protective si Chris pagdating sa kaniya at ayaw niya ng ganoon kung kaya't kung minsan ay sinunusuway niya ito. At dahil masyado siyang mahal ng binata kaya naman hindi rin nito magawang magalit ng sobra kapag may nagagawa siyang kasalanan o kalokohan. Sa halip ay binibigyan na lamang siya nito ng kakaibang klase ng punishment sa kanilang kwarto na kapwa naman nilang na-eenjoy sa huli... 

"Sige, aakyat na ako sa taas at nang masimulan ko na lutuin ang mga ito." Pagpapaalam niya kay Leo habang bitbit na ang mga pinamili.

"Ihahatid ko na po kayo sa taas Ma'am." Prisinta pa nito habang nakasunod sa kaniya patungo sa elevator.

"You don't have to, magaan lang naman to. Besides, naka-elevator naman ako so this won't be so hard after all." Nakangiting paalam pa niya bago pumasok sa loob ng elevator, "Just enjoy yourself around. I'll just call you when I need anything, okay? Bye."

"Sige po Ma'am, sabihan niyo lang po ako agad kung may kailangan kayong iutos." pagsang-ayon naman nitong muli bago tuluyang nagsara ang pinto ng elevator.

Nang makarating sa pinakaitaas ng building kung saan naroroon ang penthouse na kanilang tinutuluyan ay sinimulan ng iayos ni Amanda ang mga pinamili at ang mga gagamitin sa pagluluto, subalit napansin niyang basang-basa pala siya sa ulan maging ang suot niyang damit kung kaya't saglit siyang tumigil sa ginagawa at pumanik muna sa itaas na silid upang magpalit ng damit.

"Pwede na siguro to, mamaya na lang ako magpapalit at mag-aayos pagkatapos ko magluto." Nakangiting saad niya sa sarili habang nakatingin sa salamin at itinatali ang magulong buhok, suot lang niya ang puting t-shirt ni Chris.

At nang pababa na siya sa hagdan pabalik sana sa kusina... ay nagyari ang isang di inaasahang aksidente kay Amanda. Isang aksidente na siya palang magdudulot ng napakalaking mpagbabago sa buhay niya.

"Aaaahhhh!!!" Malakas na sigaw ng dalaga ng madulas mula sa itaas na baitang ng matarik na hagdanan. Para siyang isang bola na dire-diretsong nagpagulong-gulong mula sa itaas hanggang sa pinakababa ng may kahabaang hagdan. At talaga namang napakalakas ng bawat pagkalabog na iyon ng kaniyang katawan, maging ang paghampas ng kaniyang ulo sa bawat baitang ng hagdan hanggang sahig ay talaga namang buong pwersa sa paggalabog.

Nang tuluyang bumalandra ang kaniyang katawan sa sahig ay unti-unti na ring nilamon ng dilim ang buong paligid at tuluyan na ngang nawalan ng malaya ang pobreng dalaga. 

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now