Chapter 37 - [Chris]

3.1K 44 1
                                    

Puno ng labis na kasiyahan at mga magagandang memorya ang nabuo sa sa tatlong araw na pagbabakasyon sa Palawan ng mag-asawang Chris at Amanda. Nakapamasyal sila sa iba't ibang mga tanawin sa Palawan na first time lamang nila parehong naranasan kaya naman para tuloy silang mga bagong kasal na nagho-honeymoon ng mga lumipas na araw.

Nakapag-scuba diving sila at nakakuha ng mga magagandang larawan kasama ang mga naggagandahang coral reefs at iba't ibang uri ng isda. Nakapasyal rin sila sa underground river kung saan nakita nila ang mga nakamamangha sa laki at kakaibang rock formations ng kweba. Nakaligo rin sila sa tinatawag na Crystal Water na tunay namang nakakahalina ang linis na pwede na nga rin daw inumin dahil sa pagiging fresh water niyon.

Syempre pa ay di rin nila pinalampas ang makapamasyal sa iba't ibang mga isla sa paligid at tumikhim ng mga lokal na putahe na talaga namang babalik-balikan mo sa sobrang sarap. Sulit na sulit ang bakasyon na iyon na halos ayaw na nga nila sanag umuwi pa sa Manila.

Kaya nga lang ay kinakailangan na nilang umuwi, bukod kasi sa dami ng mga trabahong naiwan nila sa loob ng tatlong araw na pagliban nilang dalawa sa opisina para magbakasyon, ay may isang napaka-importanteng meeting rin na kinakailangan attendan si Chris at si Daniel sa Amerika. Ito ay iyong para sa Luxury Hotel & Casino na isa sa mga malaking project ng Hendelson Empire sa Las Vegas.

"I can't believe that we already have to leave this place today." Ani Chris ng yakapin niya mula sa likuran si Amanda na busy pang pinagmamasdan naman ang ganda ng buong kapaligiran mula sa balkonahe ng kanilang tinutuluyang silid.

"I know, me too. This place is so dear to my heart now." Nakangiting sagot ng dalaga habang nakahawak sa kamay niya. "We should come back here again someday."

"We really are coming back here for sure." Puno ng kasiguraduhang tugon niya habang nakasandal ang ulo sa balikat nito. "After all, ipinapaayos ko na ang pagbili sa bakanteng bahay na nakita natin sa kabilang isla." Pasimple lang niyang saad sa surpresa rito.

"W-what?!" Nanlalaki ang mga mata sa Gulat na tugon ni Amanda na agad napalingon sa kaniya. "You gotta be kidding?!"

"I'm not." Nakangiting tugon niya at saka ito kinurot sa magkabilang pisngi, "I saw how genuinely happy you were during our stay here, and I wanna see that kind of happiness over and over again even if it means I have to buy a land in this area."

"Pero hindi mo naman kai---"

"I want to." Aniya ng takpan ng daliri ang labi nito para pigilan sa kung ano pang sasabihin. "Diba nga sabi ko sayo, gagawin ko lahat basta makita lang kitang masaya Misis."

"Thank you. I love you Mister."

"Welcome. I love you more Misis."

Naputol ang usapan nilang iyon ng biglang tumunog ang service phone na naroroon sa kanilang kwarto. Sigurado na iyon na ang hinihintay nilang tawag kaya naman agad na sinagot ang nagriring na telepono. "Alright, we will be there shortly. Thank you." Ani Chris sa kausap sabay baba ng telepono.

"Let's go, naihanda na raw chopper and we're clear to fly." Imporma niya kay Amanda at saka nila isa-isang kinuha ang mga dala nilang bagahe.

Pagdating nilang mag-asawa doon sa clearing are ay nakahanda na roon ang Personal Private Helicopter na ginamit din nila papunta sa El Mira Resort sa Palawan. At kagaya nga ng dati, si Chris pa rin ang magiging piloto tutal ay licensed naman ito.

Makalipas ang halos kulang-kulang isang oras na pagbyahe ay nakarating na rin ang mag-asawa sa Hendelson Empire. Sa tuktok ng building din kasi ipinaparada ang Helicopter kaya't doon sila dumiretso, isa pa'y naroon din ang ilang mga kagamitan ni Chris para sa gagawing presentation sa America.

Still Yours (Playboy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon