Chapter 7 - [Chris]

4.6K 75 0
                                    

Nang pareho na silang kalmado at maiayos ang mga sarili ay nagpasya na silang bumalik sa Yacht Club. Halos Isang oras mahigit din ang layo nila roon at magbabyahe pa sila ni Amanda pauwi ng Manila mula roon sa Subic kaya't mas makakabuting bumalik na sila bago pa man abutin ng dilim.

Isa pa ay may mga kailangan pa raw tapusin si Amanda na trabaho kaya ayaw na niyang dagdagan pa ang problema at mga isipin nito. Siguradong kagaya ay pagod na rin ang kaniyang asawa sa mga pangyayari kanina kaya mas makatutulong kung tapusin na niya ng maaga ang dapat sana'y plano niyang cruise date at panonood ng sunset.

"Your hands are still bleeding, sigurado ka bang okay ka lang?" Puna ni Amanda ng lumapit ito sa kaniya habang iminamaneobra niya ang helm ng sinasakyan nilang Yate. Nang titigan niya ito ay bakas pa rin sa mukha nito ang pamumula ng pisngi at ilong at ang namumugtong mata.

"I'm good. Wala lang to." Tanggi niya upang hindi na ito mag-alala pa.

"This doesn't look good to me." Muling puna nito habang inienspeksyon ang kaniyang mga kamay. "Wait for me here. I'll just get something." Saad ni Amanda at saka biglang umalis sa kaniyang tabi.

Ilang sandali lang ay nagbalik ang dalaga at walang pasintabing binuhusan ng Isoprophyl Alcohol ang kaniyang kanang kamao na may sugat. Para naman siyang bata na nagtatalon at nagsisigaw sa hapding dulot ng alcohol, "Ouch! Misis naman, ganyan na ba talaga kalaki ang galit mo sa akin para buhusan mo ko ng alcohol?!" Namimilipit pa siya sa hapding dulot niyon at saka ipinaypay ang kaniyang kamay sa ere upang maibsan ang sakit.

"Sus, alcohol lang yan. It won't kill you." Pamimilosopo naman ng dalaga at saka siya inirapan.

Pero ang mas ikinagulat naman niya ang sunod na ginawa nito. Gamit ang mini-knife mula sa nail cutter ay binutas ni Amanda ang suot nitong damit at saka buong lakas iyong pinunit. Tuloy, ang suot nito kaninang body fit na white dress ay mas umiksi pa ngang lalo na halos na sa kalahati na lang ng hita nito ang haba.

"Sorry, wala akong dalang towel at naiwan ko naman sa kotse yung panyo ko. Wala rin akong nakitang benda or gauze pad sa first aid kit doon sa cabinet. Pwede na siguro tong pamalit pansamantala." Paliwanag pa nito at saka iniikot ang pinunit na bahagi ng damit sa kaniyang sugatang kamay upang magsilbing benda.

"Thank you my wife" Nakangiting pasasalamat niya at saka muling itinuon ang atensyon sa steering wheel ng Yate.

Makalipas ang halos isang oras ay nakarating na sila sa dock port ng Yacht Club. Matapos masiguradong nakagarahe ng maayos ang kaniyang Yate ay tinulungan naman niya ang asawa na ibaba ang mga gamit nito.

"Let's get your hands checked first. Meron silang clinic dito, let's make sure na walang masamang tama yang mga kamay mo." Bigay imporma ni Amanda saka siya malakas na binatukan na para bang sinasabing ang tigas kasi ng mukha niya.

"Yes, Misis. Masusunod po." Kindat niyang pang-aasar at saka nagpauna ng lakad papunta sa clinic.

Mabuti na lamang at kumpleto ang Mini hospital ng Yacht club na iyon ng mga makinarya gaya ng x-ray kaya hindi na sila napalayo pa sa pagpapa-check up.

At kagaya nga ng iniisp niya ay wala naman nabaling buto sa kaniyang kanang kamay. Nabugbog lang iyon masyado at nasugatan kaya naging sobrang mapula at madugo. Kahit paano ay nakahinga na siya ng maluwag dahil nakita niyang nawala na ang pag-aala sa mukhang iyon ni Amanda na kanina pa nakabantay sa resulta ng kaniyang X-ray.

Nang makuha ang reseta ng doctor at ang mga gamit na iinumin niya para sa sugat ay nagpasya na silang umalis ni Amanda at bumalik sa Manila.

"Where is your car?" Tanong niya sa dalaga.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now