Chapter 49 - [Chris]

3.9K 54 5
                                    

Nang magising si Chris at magmulat ng mata ay agad siyang kinabahan at nagpanic ng hindi niya nakita sa kaniyang tabi si Amanda.

Mabilis siyang napabangon mula sa pagkakahiga at hindi na nag-abala pang magsuot ng kahit na anong saplot tutal ay nasa loob lang naman siya ng kaniyang bahay kaya't wala na siyang pakialam kung hubo't hubad man siyang magpalakad-lakad roon.

"Amanda! Amanda na saan ka?"

Agad-agad niyang inisa-isa ang bawat sulok ng bahay upang hanapin ang dalaga pero wala ito kahit saan roon. Naisip niyang baka naman naroroon lang ito sa work room nito at nagpipinta kaya agad siyang tumakbo papunta roon upang i-check ang kaniyang Misis pero wala rin ito roon.

Mabilis na napalitan ng lungkot at pighati ang saya sa kaniyang puso. Ang buong akala ni Chris ay magiging maayos na ang lahat-lahat sa kanila matapos ang naging mainit na pagsasalo nila ng pagmamahaan ng nagdaang gabi, pero hindi pala, dahil ngayon ay gumising siya sa reyalidad na wala na ng tuluyan sa kaniyang buhay ang nag-iisang babaeng minahal niya at pinag-alayan ng sarili.

Walang kagana-ganang bumalik si Chris sa kaniyang silid, nagbihis at saka muling humilata sa kaniyang kama. Pero di pa man nagtatagal ay narinig niya ang doorbell ng pinto, muli pa ay nabuhayan siya ng pag-asa na baka sakaling ang Misis na si Amanda ang nasa pinto at handa na itong bumalik at makasama siyang muli.

Parang batang sobrang excited na nagtatakbo si Chris mula sa kwarto pababa ng hagdan patungo sa main door ng bahay. Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at malaki ang ngiting sinalubong ang bisita.

"Aman---" hindi niya naituloy pa ang sasabihin ng mapagtantong hindi pala ang kaniyang maganda at sexy na asawa ang dumating.

"Hi, Good Morning!" Masiglang bati ni Cindy na may dala pang basket ng groceries.

"What are you doing here Cindy?" Nakasimangot at kunot-noong wika niya sa di inaasahang bisita.

"I brought you some groceries and breakfast." Anito sabay taas ng mga pinamili at saka dire-diretsong naglakad papunta sa kitchen. "I just heard from your secretary that you are not feeling well kaya nag-abala na akong dalhan ka ng mga pagkain."

"You don't have to." Malamig na tugon niya rito. Sa totoo lang ay gusto na niyang itaboy ito papalayo ngunit hindi niya iyon magawa dahil maselan ang pagbubuntis nito. "Just go home. I want to be alone right now." Iritable niyang wika rito para maramdaman ng dalaga na hindi ito welcome sa kaniyang pamamahay.

"Oh come on, I'm here already, you know I won't leave this place unless I am sure that you are feeling well." Pagsusumiksik na pilit nito sa sarili. At Ilang saglit lang ay biglang tumigil ito sa ginagawang pag-aayos ng mga groceries at lumapit sa kaniya. "Or maybe, you want something else..." mapanuksong saad nito, "I can help you with anyth---"

"No." aniya sabay taboy sa kamay nito bago pa man iyon lumapat sa kaniyang katawan. "Mas mabuti pa kung aalis ka na lang because I don't have time to deal with you right now." Pagmamatigas niya sa kapusukan ng tusong dalaga.

"I'm not leaving!" Pagtataray nito.

"Okay." Walang kagana-gananh sagot ni Chris sabay walkout sa kitchen pabalik sa kaniyang kwarto.

"But Chris you need to---"

"Just make sure you lock the door when you leave." Pahabol na utos pa ni Chris bago tuluyang umakyat.

Sa loob ng isang buwan na lumipas buhat ng maganap ang hiwalayan nila ng asawang si Amanda ay naging busy si Chris sa trabaho. Nakatoon ang buong atensyon niya sa palapit na opening ng isa sa pinakabago at pinaka-luxurious Hotel & Casino sa Las Vegas na pinakamalaking project ng Hendelson Empire, at nakasalalay sa tagumpay ng proyektong iyon ang magiging future ng kompanya sa buong mundo lalo na sa larangan ng business at real estate.

Still Yours (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now