Chapter 9 - [Amanda]

4.6K 76 1
                                    

Pagbaba ni Amanda sa maluwag na solar ng Mansion na iyon ng mga Hendelson ay diretso niyang tinungo ang pool area sa likod ng bahay kung saan nanggagaling ang naririnig niyang mga pag-uusap at tawanan.

At nang sumilip siya'y nakita niya roon ang kambal na magkapatid na sina Trace at Jace na malakas pang mga nagtatawanan at mukhang enjoy na enjoy na pinagtutulungan ang isang babae na naka-uniform ng pang maid. Nambu-bully na naman ang dalawang to, kahit kailan talaga ay wala nang ginawang katinuan ang mga ito.

Dahil parehong basa mula sa paliligo ang dalawa ay di niya ma-distinguish kung sino si Trace at sino Jace. Basta ang isa sa mga ito ay naroroon at nakatayo sa gilid ng pool habang hawak-hawak ang maganda at morenang dalaga, at ang isa naman ay nakalusong sa swimming pool at winiwisikan ng tubig ang mga ito.

Kahit gusto niyang awatin ang kambal sa kalokohang ginawa ng mga ito ay nag-eenjoy rin naman siyang panoorin ang pagbabangayang ginagawa ng mga ito at nang maganda ngunit palaban na dalagang maid.

"Ano ba! Bitawan mo nga akong panget ka!" Panlalaban ng magandang dalaga sa nakakapit rito, "Kapag ako nakawala rito sinasabi ko sa inyong dalawang kutong lupa kayo, lagot kayo sa akin!" Pagbabanta pa nito.

"Hindi mo kami matatakot Ella, dalawa kami ni Jace. Isa ka lang." Tatawa-tawang pang-aasar ng may kapit rito na nakilala na niyang si Trace pala.

"Dali, dali, ihagis mo na siya Trace!" Panggagatong pa ni Jace sa kambal nito.

At ganoon na lamang ang pagkagulat ni Amanda ng buong pwersang binuhat ni Trace ang maingay at palaban na dalaga sabay talon sa swimming pool habang karga ito. Hindi niya inaasahan na tototohanin nga ng dalawang sira ulo na ito ang inaakala niyang biruan.

At dahil medyo kinabahan siya at naawa ay nagmamadali niyang pinuntahan ang mga ito para tulungan sana ang dalagang nagngangalang Ella, pero ng makita niyang hindi naman ito nalunod at sa halip ay walang awat pa ring nanlalaban ay nakahinga siya ng maluwag.

"Bwisit talaga kayong dalawa! Kapag ako nakaalis dito, sinasabi ko sa inyong dalawang halimaw kayo. Iiyak-tawa kayo sa gagawin ko sa inyo!" Gigil na sigaw ni Ella sa kambal.

"Sige lang. Aabangan namin yan." Ani Jace

"Better luck next time panget." Dagdag naman ni Trace.

Malakas pang nagtawanan ang mga ito at nag-apir. At saka ulit patuloy na pinagtulungan ang dalaga sa pangwiwisik ng tubig sa mukha nito habang nakalusong sa pool.

"You guys are so bully. Pati babae pinagtutulungan niyo." Nakangiting suway niya habang naglalakad papalapit sa swimming pool na kinaroroonan ng mga ito.

"Amanda?!" Sabay na wika ng kambal na napatigil pa sa ginagawang pang-aalaska kay Ella. Bakas pa sa mga mukha ng mga ito ang pagkagulat na makita siyang naroroon sa Mansion.

Dali-daling lumangoy ang mga ito patungo sa hagdan ng pool at saka agad na nag-ahunan upang puntahan siya at batiin.

"Wow, I can't believe you are here again. Kailan ka pa dumating?" Surprised na pagbati ni Jace at saka bumeso at yumapos sa kaniya.

"Kagabi lang. Your Kuya Chris invited me to stay for a day." Kunwari nama'y pagpapalusot niya ng di na mag-usisa ang mga ito sa dahilan ung bakit siya napunta roon ng walang kaalam-alam.

"We're glad you decided to spend a day with us. We miss you Amanda." Malambing na wika ni Trace at saka mahigpit rin siyang niyapos.

Pakiramdam niya'y sobrang tagal na niyang nawalay sa mga ito kaya naman ang makasamang muli ang makulit na kambal ay talaga namang nakakataba ng puso.

Still Yours (Playboy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon